Printer-friendly version

Bilis at diskarte ang naging labanan ng mga partisipante sa mga inihandang aktibidad ng Bureau of Fire Protection sa 1st Mayor Luis Marcaida III Fire Fighting Olympics na kaugnay pa rin ng Pangalipay sa Baybay 2017 noong ika-27 ng Abril taong 2017.

 

Isa sa mga aktibidad ay rescue relay kung saan wastong proseso sa pagsagip ng biktima ang kinakailangan para malipat ito sa mas ligtas na lugar. Mayroon ding paligsahan ng tamang paggamit ng fire extinguisher. Hinamon din ang mga manlalaro na itayo ang hagdan gamit lamang ang mga lubid sa raising the ladder. Dagdag pa rito, mayroon ding hose maneuvering at wild hose recovery. Ang pinaka-sentro ng aktibidad ay ang structural firefighting na madalas mangyari sa mga establisyimento na masikip ang lugar kung kaya gumawa ang BFP ng lagusan na aktwal na inapuyan at susuungin ng mga partisipante. Naging magkaiba lamang ang aktibidad sa pagitan ng barangay at industrial category dahil sa bucket relay at rescue relay. Ang bucket relay ay inihanda para sa barangay category. Tatanghaling panalo ang partisipante kapag sila ang may pinakamabilis na time record.

 

Bucket Relay, raising the ladder at hose maneuvering ang naipanalo ng Barangay San Miguel. Nakuha naman ng WPU-Sta. Monica ang larong Busted Hose. Nanguna naman sa structural fighting at wild hose recovery ang Barangay Bagong Silang at Barangay Maunlad. Sa Industrial category, wagi ang New City Commercial Corporation (NCCC) sa hose maneuvering at wild hose recovery. Fire extinguisher at raising the ladder ang napagtagumpayan ng Kilos Agad Aksyon Center (KAAC) samantala Shell Depot naman ang nanalo sa rescue relay at Puerto Princesa City Water District ang nagtagumpay sa structural firefighting. Tumanggap ng limang daang piso ang mga nanalo sa ikatlong pwesto at pitong daang pisong premyo sa ikalawa at isang libong piso para sa nakakamit ng unang pwesto na may kalakip na plaque at consolation prize para sa mga hindi pinalad.

 

Sa kabuuan, itinanghal na kampeonato para sa industrial category ang New City Commercial Corporation na nakatanggap ng limang libong piso at Barangay San Miguel naman nakakuha ng unang pwesto sa Barangay Category na nakatanggap din ng parehong premyo. Barangay Model ang nagkamit ng ikalawang pwesto na nakatanggap ng tatlong libong piso at sinundan naman ng Barangay Bagong Silang, dalawang libong piso. Nasa ikalawang pwesto ang KAAC at ikatlong pwesto ang PPCWD sa industrial category.

 

Article Type: 
Categories: 

Navigation Menu