Printer-friendly version

Puerto Princesa, Oct. 17 CIO - Humigit kumulang sa tatlong libong child development children(daycare) at public elementary students at magulang ang nakiisa sa 2nd Global Handwashing Day na ginanap nitong, Oct. 14 sa City Coliseum.

 

Tampok sa selebrasyon ang pagsasagawa ng handwashing with soap competition sa pagitan ng sampung cluster ng child development service center sa lungsod, kasama dito ang kanya-kanyang gawang handwashing facility.

 

Napanalunan ng yellow cluster na binubuo ng Bgy. Bagong Silang, Mabuhay, Maningning, Masipag, Sicsican, Masikap , Model at Magkakaibigan ang ikatlong pwesto. Tumanggap ng limang libong pisong premyo ang yellow cluster. 8,500 ang napalunan ng red cluster sa ikalawang pwesto na binubuo ng Bgy. Sta. Monica, San Jose, San Manuel, Princesa, Tagburos at Tiniguiban. Tumataginting na sampung libong piso(10,000) ang premyo ng pink cluster na kampeon sa kompetisyon. Ang pink cluster ay binubuo ng Bgy. Bancao-bancao, Bagong Pag-asa, Mandaragat at San Miguel.

 

Ang Global Handwashing Day ay tinataguyod ng UNICEF, CSWD, City Health Office at Local Council for the Protection of Children ay adbokasiya upang maituro at maging habit lalo ng mga bata ang paghuhugas ng kamay. Malaking tulong ang paghuhugas ng kamay upang maiwasan ang sakit tulad ng pananakit ng tiyan, trangkaso, bulate sa tiyan, na nagpapababa ng timbang ng bata.   

Article Type: 

Navigation Menu