Printer-friendly version

Puerto Pricesa, May 19 CIO - Pinatunayan ng El Lobo Dragon Boat Race Team ang kanilang lakas nang kanilang mapanalunan ang unang puwesto sa men’s 10-crew race ng katatapos na 2nd Puerto Princesa Dragon Boat Race noong May 17, 2015.

Ang grupo ang siyang magtatayo ng bandila ng Pilipinas sa gaganaping 36th Southeast Asian (SEA) Games sa Singapore sa Hunyo ng 2015.

Bagaman at nag-dalawa na silang grupo hindi naman nagpahuli ang grupo ng marines ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas.

Panalo ang Philippine Marines Team sa triyak women na binuo ng tatlong (3) babae at mixed category . Second placer naman ang Philippine Marines sa men’s 10-crew event.

Hindi rin naman nagpahuli ang 3rd Marine Brigade na pumangalawa sa mixed event at pumangatlo sa men’s 10-crew category. 

Mataas naman ang potensiyal ng anim (6) na grupo ng Puerto Princesa sa regional, national at international dragon boat race competitions sa hinaharap.

Kasama sa kanila ang Puerto Princesa Dragon Boat Race team, Iwahig Firefly, Honda Bay-A, Honda Bay-B, Badjao at Goodjao teams.

Samantala, bago ang awarding ceremony pasasalamat ang binigkas ni Mayor Lucilo R. Bayron sa mga nakiisa at naki-organisa sa dragon boat race 2015.

Ani pa ng Punong Lungsod siya ay nagalak sa suporta ng mga mamamayan ng Lungsod ng Puerto Princesa sa panonood sa baywalk ng Barangay San Isidro at Bagong Pag-asa sa kabila ng napakatinding sikat ng araw.

Masaya din ang alkalde sa ibinigay na dalawang (2) dragon boats ng Philippine Canoe and Kayak Federation Inc. (PCKF) na siyang magagamit upang pag-praktisan ng mga Puerto Princesa Teams at mga interesadong mga kabataan at mamamayan ng syudad.

 

Article Type: 
Categories: