Printer-friendly version

Puerto Princesa, June 9 CIO - Itinakda ng Super Apuradong Administrasyon ang ika-26th taong selebrasyon ng Pista ‘y ang Kagueban sa June 25, huling sabado sa buwan ng Hunyo na gaganapin sa Sitio Impapay, Bgy. Irawan.

 

Ayon kay City Information Officer Richard Ligad, nagsagawa na ng ocular inspection ang Punong Lungsod Lucilo Rodriguez Bayron upang personal na makita ang venue at  tiyakin ang maayos na daanan at planting site.  

 

Umaabot sa 70,000 ang seedlings ng punong kamagong, narra, ipil at palawan cherry,  punong endemic sa lungsod na mayroong mataas ng “water holding capacity” ang itatanim sa may apat na ektaryang lupain.

 

Ang Sta. Lucia hotspring ang naging host venue nang nakaraang 25th  Pista ‘y ang Kagueban.

 

Article Type: 
Categories: