Printer-friendly version

Dumating na sa lungsod ang mga partisipante ng 2017 FIM Asia Motocross Championship, na gaganapin sa Sta. Monica Race Track ng Puerto Princesa mula ika-9 hanggang ika-11 ng Hunyo taong kasalukuyan. Makikiisa sa okasyon ang mga International Jury Member mula sa Indonesia na sina Pie An Tan o Frans Tanuiaya at Lai Kin Keng.

(CLICK THE PICTURES TO SEE MORE PHOTOS---->>)   

Mula sa bansang Indonesia, Thailand, Guam, India, United State of America (USA), Malaysia, Sri Lanka, Nepal, at Taiwan ang mga lalahok at lalaban para sa kampeonato. Sina Kenneth San Andres, Moymoy Flores, Bilog Macaso at David Xander Viterbo, ang kakarera para sa bandila ng Pilipinas. Handang-handa rin ang mga natatanging pambato ng Lungsod ng Puerto Princesa na sina Garry Gavino, Allan Mollonido at Aaron Pacheco para sumabak sa karera at tiyak na aabangan ng manunuod.

 

Nahahati ang paligsahan sa National Category at Asia Motocross series. Bukod dito, dalawang kategorya para sa Palaweño ang bubuksan, ang pan-tra sa mga tricycle riders at pit-bike sa mga cycler gamit ang kanilang desenyong bisikleta.

 

Inaanyayahan ni Mayor Luis Marcaida III ang lahat ng residente ng lungsod na panuorin ang motocross championship, anya pambihirang pagkakaton ito para sa lungsod kaya’t saksihan ang kaabang-abang na paligsahang ito.

 

Maglalaan ng mga mobile security ang kapulisan na aantabay 24/7 sa tutuluyan ng mga partisipante sa tatlong araw na paligsahan. May mga uniform and non-uniform personnel din na magbabantay sa loob at labas ng race track para sa seguridad ng manlalaro at manonood. Mahigpit na pagbabantay ang aaasahan mula sa 10 pulisya na mamalagi sa race track mula huwebes, ika-8 ng Hunyo. Hihigpitan din ang pagparada ng mga sasakyan sa paligid ng race track upang hindi maging dahilan ng aksidente sa buong panahon ng kompetisyon.

 

Sa medikal na aspeto, maglalagay ng medical post ang Kilos-Agad Action Center at maglalaan ng 3 ambulansya na maaaring gamitin sakaling may kailangan itakbo sa ospital.

 

Ang FIM Asia Motocross Championship ay hatid ng Federacion Int’l de Motorcyclisme(FIM) katuwang ang National Motorcycle Sports and Safety Association(NMSSA) at Pamahalaang Lungsod ng Puerto Princesa.

 

 

Article Type: 
Categories: 

Navigation Menu