Printer-friendly version

Kasing init ng summer ang pagrampa ng mga partisipante ng Baywalk Bodies 2017 suot ang kanilang bikini noong Sabado ng gabi, ika-29 ng Abril sa Baywalk.

Nadomina ng morena beauties ang buong kompetisyon. Tinanghal na Baywalk Bodies 2017 sina candidate no.10 Earl Sam Mendez ng Bgy. San Pedro at candidate no.8 Jessarie Dumaguing ng Bgy. San Jose. Humakot ng award ang morenang si Ms. Dumaguing sa kompetisyon, napanalunan niya ang special awards ng Best Creative Bikini Wear, Beach Bum at Final Bikini Wear, samantalang nakuha ni Earl Sam Mendez,  gym instructor ang Creative Bikini Wear special award.  

1st runner-up ang hunk model na si Charles Adrian Saliente ng Bgy. San Manuel, candidate no.8 at humakot ng special awards sa kategorya ng Beach Bum at Bikini Wear Competition. 1st runner-up ang olive skinned na si Catherine Sintik ng Bgy. San Miguel. 2nd runner-up ang crowd favorite candidate, Leehart Cautibar ng Bgy. San Miguel at tsinitang si Maggie Hizon ng Bgy. Sta. Monica.

Ang Baywalk Bodies 2017 ay nilahukan ng 10 kalalakihan at 8 kababaihan na pawang  nagpakita ng ganda ng katawan, galing sa pagdadala ng sarili at kanilang mga kasuotan. Hurado sa patimpalak sina Founding Chairman ng Baywalk Bodies Bong Villanueva, Dr. Louie Ocampo ng Ospital ng Palawan, Senor Damla Restaurant owner Arnel Almadrones, 2014 Miss Silka Philippines Kathreen Ahorro, Ofemia Cosenas ng VJMC Manpower Agency, Singapore Registered Nurse Jowin Montano at Attorney Nanette Quicho-Encarnacion.

Tumanggap ng premyong 15,000 ang grand winner, 10,000 para sa 1st runner-up at 7,000 para sa 2nd runner-up. 1,000 para sa bawat special award at consolation prize na 2,500.

Ang Baywalk Bodies 2017 ay bahagi ng selebrasyon ng 13th Pangalipay sa Baybay na pinangungunahan ni Ginang Monette Marcaida bilang chairperson.

Article Type: 
Categories: 

Navigation Menu