Printer-friendly version

Pormal ng sinimulan ang 2017 Free Summer Sports Clinic na handog ni Mayor Luis Marcaida III katuwang ang City Sports Office ng Lungsod ng Puerto Princesa, Lunes, ika-17 ng Abril, taong kasalukuyan sa City Sports Complex.

528 kabataang partisipante ang rehistradong sumailalim sa isang buwang sports clinic na may labing anim na larong pampalakasan na maaring pagpilian. Athletics, Arnis, Archery, Basketball, Boxing, Badminton, Chess, Gymnastics, Football, Futsal, Lawn Tennis, Table Tennis, Sepak-Takraw, Swimming, Taekwondo, Volleyball at Wushu. Ang nasabing mga palaro ay gaganapin alinsunod sa oras ng schedule dito at gaganapin sa iba’t-ibang lugar dito sa lungsod.

Ang 1st Mayor Luis Marcaida Summer Sports Clinic ay isinasagawa upang makapagbigay ng libreng pagsasanay sa mga kabataan.  Sila ay hinuhulma na maging mas mahusay sa larong kanilang napili, matutunan ang kahalagahan ng pagkakaibigan, pagkakaisa, sportsmanship at tulay upang mailayo sila sa masamang bisyo. Hindi lang ito para sa mga kabataan, kundi pati narin sa mga magulang na matulungan madiskobre ang potensiyal ng kanilang anak sa larangan ng sports.

Kaugnay nito malugod na inaanyayahan ang lahat ng kabataan na makibahagi sa libreng programang handog ng Pamahalaan ng Lungsod ng Puerto Princesa. Para sa iba pang mga detalye at katanungan ukol sa programang ito ay maaaring makipag-ugnayan City Sports Office. At sa mga gusto pang humabol na  magparehistro ay hanggang biyernes na lamang, ika-21 ng Abril maaring magpa-rehistro.

Article Type: 
Categories: 

Navigation Menu