Printer-friendly version

Nagpatawag na ng pagpupulong ang City ENRO sa pamumuno ni Atty. Carlo Gomez na siyang punong abala sa pagdiriwang ng ika 15 Love Affair with Nature kaugnay sa magiging preparasyon para dito.

 

Ngayong taon ay nakatakdang isagawa ang Love Affair with Nature sa Sitio Tagbarungis, Bgy. Inagawan kung saan ay tatamnan ng mga bakawan ang may 2 ektaryang bahagi ng city beach.  Ayon kay Atty. Gomez, ang kanyang tanggapan ay naghanda ng humigit kumulang sa 20 libong mangrove seedlings para sa mga partiisipante nito.

 

Samantala, magkakaroon naman ng mga bagong aktibidad na nakapaloob sa naturang pagdiriwang.  Ang City Tourism Office at ang City Information Department katuwang ang Palawan Council for Sustainable Development & Staff at ang Western Command sa pagbibigay ng kasiyahan sa mga grupo na magtutungo na sa lugar sa ika 13 ng Pebrero.  Magsisimula ang mga aktibidad sa ganap na ala una ng hapon bilang paghahanda sa malawakang pagtatanim ng bakawan sa ika 14 ng Pebrero.  Kabilang na dito ang pagtugtog ng piling mga lokal na banda; production number mula sa Banwa Dance & Arts at ng Puerto Princesa City Choir.  

 

Sa mismong araw ng mga puso naman, ika-14 ng Pebrero ay magkakaroon ng pormal na programa kung saan ay inaasahan na dadalo ang mga matataas na opisyales ng pamahalaan, mga miyembro ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas, mag-aaral, pribadong sector at mga organisasyong nangangalaga sa kalikasan.  Kabilang sa magiging mahalagang gawain bukod sa malawakang pagtatanim ng bakawan ay ang pagsasagawa ng kasalang bayan o mass wedding ng may 100 magkakapareha o mag-asawa na nagsasama nan g matagal na hindi pa kasal.

 

Magkakaroon ng libreng sakay na magsisimula ika 3 ng umaga sa araw ng mga puso patungo sa planting site.  Ito ay sa Mendoza Park, City Coliseum at parking area ng Robinson’s Place.

 

Sa iba pang detalye kaugnay sa naturang pagdiriwang magtungo lamang sa tanggapan ng City ENRO o sa City Information Department.

 

 

Article Type: 
Categories: 

Navigation Menu