Printer-friendly version

Matagumpay ang pagbubukas ng taonang selebrasyon ng  Pangalipay sa Baybay sa lungsod nitong ika-24 ng Abril sa pangunguna ni Punong Lungsod Luis M. Marcaida III at City Tourism Office.

 

Sinimulan ang selebrasyon sa pamamagitan ng parada mula Mendoza Park patungong Baywalk na dinaluhan ng mga opisyales at empleyado ng Pamahalaang Lungsod, pribadong sektor at tourism stakeholders. Nakiisa din ang Philippine National Police (PNP) at Bureau of Fire Protection (BFP) bilang suporta sa programa ng Pamahalaang Lungsod at mamamayan ng Puerto Princesa. Kapansin-pansin din ang pakikiisa ng bagong atraksyon sa lungsod ang Max vehicle na sumama sa parada sakay ang Baywalk Bodies contestants sa kanilang ATV.

 

Samantala, personal na nagpasalamat si Punong Lungsod Luis Marcaida III sa mga taong dumalo upang ipakita ang suporta at pakikiisa sa mga aktibidad ng lungsod. Dagdag pa niya, “Hindi po natin pwedeng kalimutan ang Pangalipay sa Baybay dahil ito po ay isa sa ating mga atraksyon at ito ay nakaugalian natin tuwing April kung saan maraming turista, mga bisita natin na pumupunta. Importanteng mayroon tayong nakahandang activities na pwedeng pagkaabalahan at atraksyon sa ating mga kababayan sa lungsod.”

 

Dagdag kasiyahan sa Pangalipay sa Baybay matapos ang parada ay ang pagbibigay papremyo sa tinanghal na Most Jolly Group, ang Tourist Guide at tumanggap ng 5,000. Nakatanggap naman ng 10,000 para sa Best in Costume ang Puerto Princesa City Pearl and Souvenir Shops Association ng Palawan at Best in Grand Parade ang ng Senior Citizens Assistance Program (SCAP) na pinagkalooban ng 20,000.

 

Article Type: 
Categories: