Printer-friendly version

    Ang magagandang baybayin at mapuputing buhangin sa Sitio Nagtabon,

Talaudyong at Tagminatay sa Barangay Bacungan ang isang dahilan kung bakit

dinarayo ng ilang turista sa Lungsod , dangan nga lamang pagdating sa

komunikasyon partikular ang signal sa cellphone deadspot na ang naturang

lugar.

     Ito ang nagbunsod kay  Konsehal Eleutherius L. Edualino para magpasa ng

dalawang resolusyon sa kapulungan ng 14th Sangguniang Panlungsod kaugnay sa

paglalagay ng malawakang Cellular network . Ang resolution numbers 22-23

2013  na magkaisang ipinagtibay sa  7th Regular session kamakailan ,  na

humihiling sa Smart at Globe Telecommunication na ikonsidera ang sitio

Nagtabon  sa paglalagay ng Cell site dito .

 Ayon kay Konsehal Edualino, ang Barangay Bacungan ay mabilis na umuunlad

at nagsisilbing future tourist destination dahil na rin sa mga white beaches nito

sa Tagkawayan, Nagtabon , Talaudyong atbp . Malaking bagay ang pagkakaroon

ng agarang komunikasyon sa nasabing lugar lalo na sa panahon ng Emergency.(erada)

Article Type: 
Categories: