πƒπ€π˜ 𝐂𝐀𝐑𝐄 π‚π‡πˆπ‹πƒπ‘π„π, πŒπ€π’π€π˜π€ππ† ππ€π†π“π€π“π€ππŽπ’!

𝐁𝐚𝐥𝐢𝐭𝐚𝐧𝐠𝐄𝐝𝐮𝐤𝐚𝐬𝐲𝐨𝐧 || 𝐃𝐀𝐘 𝐂𝐀𝐑𝐄 𝐂𝐇𝐈𝐋𝐃𝐑𝐄𝐍, 𝐌𝐀𝐒𝐀𝐘𝐀𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐆𝐓𝐀𝐓𝐀𝐏𝐎𝐒!

𝐉𝐨𝐣𝐨 𝐑𝐞𝐦𝐨, 𝐂𝐈𝐎 𝐁𝐚𝐥𝐢𝐭𝐚 𝐌𝐚𝐫𝐬𝐨 𝟏𝟐, 𝟐𝟎𝟐𝟔

Isang makulay at makabuluhang pahina ng pagkatuto ang muling ipinagdiriwang sa Lungsod ng Puerto Princesa sa nalalapit na Day Care Children Graduation 2026, kung saan tinatayang 3,721 batang mag-aaral mula sa iba’t ibang barangay ang handa nang tumuntong sa susunod na hakbang ng kanilang edukasyon. Sa bilang na ito, 1,925 ay mga lalaki at 1,726 naman ay mga babae na nagmula sa pitong cluster ng 66 barangay ng lungsod.

Ang tagumpay na ito ay bunga ng patuloy na pagsusumikap ng pamahalaang panlungsod sa pamumuno ni Mayor Lucilo Rodriguez Bayron na palakasin ang Day Care Program, isang programang nagbibigay ng ligtas na espasyo kung saan ang mga batang may edad 3 hanggang 5 taong gulang ay natuturuan ng mga pangunahing kaalaman at kasanayan bilang paghahanda sa pormal na pag-aaral.

Higit pa sa simpleng pasilidad, ang mga Day Care Centers ay nagsisilbing pangalawang tahanan para sa maraming bata sa lungsod. Dito sila natutong magbasa ng mga unang letra, makisalamuha sa kapwa bata, at linangin ang kanilang kakayahang matuto at mangarap. Para naman sa maraming working parents, malaking ginhawa ang pagkakaroon ng isang maaasahang lugar kung saan nila naiiwan ang kanilang mga anak habang sila ay nagtatrabaho—tiyak na ligtas, inaalagaan, at patuloy na natututo.

Kalakip ng tagumpay na ito ang taos-pusong pasasalamat sa mga masisipag at dedikadong Day Care Workers na nagsisilbing tagapangalaga, guro, at gabay ng mga bata sa kanilang murang edad. Sa kanilang tiyaga, malasakit, at pagmamahal sa paglilingkod, nabibigyang pundasyon ang paghubog sa mga kabataang Puerto Princesans na siyang pag-asa ng lungsod sa hinaharap.
Sa kabuuan, ang bawat pagtatapos ng mga batang ito ay patunay na ang pamumuhunan sa early childhood education ay isang mahalagang hakbang tungo sa mas maliwanag na kinabukasan—para sa mga bata, sa kanilang mga pamilya, at sa buong lungsod ng Puerto Princesa. 💙📚

#DayCareProgram #HappyGraduationDay #PuertoPrincesaCity

Similar Posts