KUDOS, PUERTO PRINCESA!

Pinarangalan ang Puerto Princesa City ng Best Travel Tour Expo Theme Award sa Philippine Travel Agencies Association (PTAA) Travel Tour Expo na ginanap sa SMX Convention Center sa Pasay City.

Personal namang tinanggap ni Mayor Lucilo R. Bayron sa Flag Ceremony kaninang umaga, February 16, 2026, ang naturang parangal na isang patunay ng kolektibong pagkilos at dedikasyon ng lungsod ng Puerto Princesa na makapaghatid ng de-kalidad na travel experience para sa mga foreign and local tourists.

Similar Posts