AGRICULTURAL CAMP PARA SA MGA CHILDREN IN CONFLICT WITH THE LAW (CICL)

Ngayong araw, December 10, ay nagkaroon ng pagpupulong si Mayor Lucilo R. Bayron kasama sina DSWD Undersecretary Fatima Aliah Dimaporo, JJWC Executive Director Atty. Tricia Clare Oco, at JJWC Deputy Executive Director Lilibeth Gallego, para pag-usapan ang itatayong Agricultural Camp ng Bureau of Corrections at DSWD sa loob ng Iwahig Prison and Penal Farm, Brgy. Inagawan-Sub, Puerto Princesa City.

Sa pagpupulong, tinalakay ang malaking benepisyo ng pagtatayo ng Agricultural Camp para sa CICL, lalo na upang masigurong ang mga batang magsisilbi ng kanilang sentensiya ay hindi mahahalo sa mga nakatatandang Persons Deprived of Liberty (PDLs).

Ang proyektong ito ng national government ang kauna-unahang Agricultural Camp na itatayo sa buong bansa na magsisilbing detention center para sa mga CICL.

Dito, ang mga CICL ay sasailalim sa agricultural at vocational training, at mabibigyan din sila ng psychosocial support para sa kanilang rehabilitasyon at reintegrasyon sa lipunan.

Similar Posts