2026 1ST QUARTER CARING PROGRAM DAY 1

Ngayong araw, February 21, 2026, ang unang araw ng distribution ng 2026 1st quarter ₱3,000 allowance para sa ating mga senior citizens, PWDs, solo parents, at barangay tanod na bahagi ng ating Mapagkalingang Programa o Caring Program. Kasama ring nakuha ng mga teaching and non-teaching personnel ang kanilang ₱6,000 quarterly allowance.

Sa unang araw ng Caring Program, naserbisyuhan ang mga barangay ng: Iwahig, Matahimik, Montible, Sta. Lucia, Irawan, Sicsican, Mabuhay, Sta. Monica, Tiniguiban, San Manuel, Sta. Lourdes, Tagburos, San Jose, Maunlad, Bagong Pag-asa, San Isidro, Bagong Sikat, at San Pedro.

Similar Posts