CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment
Puerto Princesa CIO - Ginawaran ng pagkilala ang Lungsod ng Puerto Princesa bilang isa sa 2015 Top Ten New Emerging Cities for Information Technology–Business Process Management Operations sa buong bansa. Ibinigay ito noong Marso a-30,2016 sa Shangri-La Hotel, Makati ng Department of Science and Technology –Information and Communicaitons Technology Office (DOST-ICTO) at Information Technology Business Process Association of the Philippines.
Ang pagkilala ay nangangahulugang may kakayahan ang siyudad na maging sentro ng mga kliyente ng IT-BPM at may pundasyon na makakahikayat sa mga business processing outsourcing. Katumbas nito ang pangangailangan ng mga manggagawa sa operasyon ng nasabing negosyo, na makapagbigay ng trabaho sa mga maraming taga-Puerto Princesa. Isa itong magandang pagkakataon sa para sa mga rersidente ng lungsod na kailangan magtungo pa sa ibang lugar upang humanap ng pagkakakitaan.
Ang lumalagong sektor ng business processing outsourcing o kilala bilang mga “call centers” ay isa sa mga pangunahing tumutulong sa ekonomiya ng Pilipinas. Inaasahan na aabutin nito ang 1.3 million bilang ng mga manggagawa at tinatayang makapagdagdag sa kita ng pamahalaan ng 25 bilyong dolyar ngayong taon.
Kahanay ng Puerto Princesa ang mga lungsod ng Balanga, Batangas, Iriga, Laoag, Legazpi,Roxas,Tarlac,Tuguegarao at Zamboanga.
Featured Articles |
USAID/SURGE Project |