CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment
Puerto Princesa, Oct. 28 CIO - Umaabot sa dalawang libo walong daan at dalawampu’t lima (2,825) persons with disability(PDA) ang nabigyan ng discount ID na may 20 porsiyentong diskwento, dalawang libo at dalawangdaan (2,200) dito ay direktang tumatanggap ng social pension mula sa Apuradong Administrasyon. Ito ang ipinahayag ni Genaro Manaay, Program Manager ng Persons with Disability Affairs Office (PDAO ) dito sa Lungsod ng Puerto Princesa para sa taong 2014.
Ayon kay Acting City Information Officer Richard Ligad, layunin ng ating Punong Lungsod Lucilo Rodriguez Bayron na anumang kapansanan mayroon ang isang tao, ito ay kailanman hindi magiging sagabal sa kaunlaran. Sisiguruin ito ng Punong Lungsod sa pamamagitan ng programang pinapatupad ng Pamahalaang Lungsod. Hinikayat din ni CIO Ligad ang lahat ng ating kababayan na mayroong kapansanan na magtungo sa New City hall para magparehistro sa PDAO.
Ang Republic Act 10070, na siyang nagsisilbing gabay sa pagkakatatag ng PDAO O Persons with Disability Affairs Office, layunin nito na mapagkaisa ang pagbibigay serbisyo at programa para sa lahat ng mga taong may kapansanan. Ang PDAO ng Puerto Princesa ang siyang kauna-unahang inilagay sa buong Region IV- Calabarzon at Mimaropa. Una din sa buong Pilipinas ang persons with disability ng lungsod ang nabibigyan ng quarterly pension na magagamit bilang karagdagang suporta sa mga pangangailangan ng may kapansanan.(edwin)
Featured Articles |
USAID/SURGE Project |