CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment

Printer-friendly version

Puerto Princesa, May 27 CIO - Ginanap ang Wacky Boat Race 2015 noong May 23, 2015, araw ng sabado sa Baywalk Area ng Puerto Princesa. Ito ay bahagi parin ng pagdiriwang ng ika-11 Pangalipay sa Baybay. Ang wacky boat ay gawa sa mga materyales na recyclable tulad ng plastic bottles, styro, goma at iba pa maliban sa kahoy at dapat lulutang sa tubig.

 

            Tatlong klase ng kompetisyon ang naganap. Una ay ang Wackiest Boat kung saan ay pipiliin ang pinaka magandang wacky boat. Ikalawa ay ang Wacky Boat Race, ito ay karera ng mga wacky boat gamit ang sagwan. Ito ay may dalawang kategorya, ang Single at double. Ikatlo ay ang Paddle Boat Race, na karera ng mga regular na bangkang de sagwan. At tulad ng Wacky boat race, meron din itong single at double category. Kahit na matindi ang init ng panahon ay masaya paring nakipag karera ang mga kalahok.

 

            Sa Wacky Boat Single Race, nakuha ni Ronnie Calvario ang ikatlong pwesto. Si Ronaldo Cuya naman ang nagkamit ng ikalawang pwesto. At si Tomas Ortado naman ang nakakuha ng unang gantimpala. Sa Wacky Boat Double Race nakuha nina Tomas Ortado at Diony Lanzaderas ang unang pwesto. Pumangalawa sina Ronnie Calvario at Mark Cuya. At ikatlong pwesto naman sina Ronaldo Cuya at Louie Cuya. Para sa Paddle Boat Single Race, nakuha ni Jessie Cuya ang unang pwesto. Pumangalawa naman si Jonie Lazanderas. At ikatlong pwesto naman si Edgar Samante. At para sa Paddle Boat Double Race, nakamit nina Ronaldo Cuya at Jessie Cuya ang unang gantimpala. Pumangalawa naman sina Michael Marapao at Dexter Gonzaga. Ikatlong pwesto naman ang nakuha ni Tomas Ortado at Louie Cuya.

 

            Samantala, naging hurado sa Wackiest Boat sina Ms. Joan Feliciano, ng La Zuerte Travel and Tours; Ian Bacuel, Events Coordinator ng PPUR; at si Gayjune Dangan, Baywalk Manager. Ang Wackiest Boat ay napanalunan ni Ernesto Sumandal sa kanyang bangkang gawa sa interior ng gulong.

 

            Nagpakita din ng supporta ang Philippine Coast Guard, Baywalk Management, City Information Office at City Health Office. Ang Wacky Boat Race 2015 ay pinangungunahan ng City Tourism Office.(francis machado)

 

Article Type: 
Categories: