CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment

Printer-friendly version

Pinawi ngayon ni City Mayor Lucilo R. Bayron ang agam-agam ng mga mamamayan ng Puerto Princesa na baka mapatulad sa mga hindi nagkaroon ng katuparang pangako ng nagdaang administrasyon ang mga nakahanay na proyektong pang-imprastruktura ng lungsod para sa taong ito.

 

Ang pagtiyak sa implementasyon ng P136-million infrastructure projects ay ginawa ng alkalde kasabay ng simpleng ground-breaking ceremonies kahapon  ng 15 mga proyektong pinaglaanan ng naturang pondo sa iba’t ibang barangay sa siyudad sapagkat ang mga ito ay malaon nang idinaraing ng mga apektadong residente.

 

Kahapon din ay naisa-isantabi ang mga pangamba ng mga taga-barangay na nilikha ng mga naninirang katunggali sa pulitika sa pagsasabing ito ay hindi maisasakatuparan sapagkat masasaklawan ng mga pagbabawal ng Comelec kaugnay ng nakatakdang recall election sa Mayo 8.

 

Ipinaliwanag ni Mayor Bayron na ang mga proyektong ito ay hindi nasasakupan ng election ban na nagsimula kahapon, Abril 20. Noon pang Marso 10, aniya, ay natapos na ang bidding samantalang ang Notice to Proceed ay nailabas noon pang Abril 1. Ang tanging nakaantala ay ang maingat na pagtalima sa wastong proseso sa paglalabas at paggamit sa pondo ng pamahalaang lungsod.

 

Matatandaan na kamakailan lamang ay sinampahan ng P65-M plunder case si Ex-Mayor Edward Hagedorn dahil sa mga umano’y kuwestiyunableng reimbursement transactions na ayon sa 2011 Annual Audit Report ng Commission on Audit ay walang kaukulang supporting documents.

 

Ang mga proyektong gugugulan ng P136-M sa unang bahagi pa lamang ng 2015 ay ang mga sumusunod: pagtatayo ng Rural Service Center sa Bgy. Napsan na nagkakahalaga ng P6,l99,710.11;  3- classroom school building sa Bgy. Mangingisda West Elementary School Phase 1 -  P2.3-M at konstruksiyon ng  National Child Development Center sa nasabi ding barangay - P2.3- M.

 

Sa mga kalsada naman ay isasagawa ang pagkongkreto

sa San Jose -.San Manuel Parallel Road (Santol to
Lomboy Street )- P14.90M,  San Jose – San Manuel Parallel Road (Papaya St. - Angela’s farm)-P7.5M, Memorial Park Road – Muslim Cemetery Phase 1 - P6.5M, Cacatian Road (Seabreeze ) Phase 1- P7.6M, NHA Ville Access Road Phase 1- P5.7M na pawang matatagpuan sa Bgy. San Jose at ang  San Jose-San Manuel Parallel Road (GMA Road-San Manuel Road) sa Bgy. San Manuel- P13.6M.
 

Kabilang sa mga ipagagawang kalsada ang City Employees Village Road Phase 1 - P15.3M at Paduga Road Phase 2- P12M
sa Bgy. Sta, Monica12; Apan Road Phase 1 sa Bgy. Sicsican P10.8; Libis Rd. Phase 2-P9.814 at Lanzanas Road 1-P10-M, kapuwa sa Bgy. San Pedro; at, konstruksiyon ng Circulation Road-Phase 3 sa Bgy. Bancao-bancao-P11.1M.
 

Idinagdag ni Mayor Bayron na ang buong halaga ng proyekto na P136,072,360.05 ay pasok sa 2015 Annual Budget ng siyudad at nakapaloob sa Annual Investment Program .

Article Type: 
Categories: