CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment

Printer-friendly version

Punong-puno ang City Coliseum ng mga taong nanood ng PBA All Star Games noong Marso 8, 2015. Okupado hanggang ang mga daanan at hagdanan na sabay-sabay sa pagpalapakpak, paghiyaw at pagsuporta sa kanya-kayang manlalaro. Wala ring humpay ang pagbi-video at pagkuha ng mga larawan kasabay ng wala ring humpay na pagpaypay dahil sa init. 

 

Pinangunahan ni Mayor Lucilo R. Bayron katuwang ang mga opisyales ng Philippine Basketball Association ang mga pambukas na mga ritwal sa palaro. Bago nagsimula isa namang cheerdance ang ipinamalas ng Palawan State University Cheerdance Squad. Sinundan ito ng pagpapakita ng galing sa pagsayaw  ng dalawang koponan. Dalawampu’t isang (21) mga kilalang basketbolista ang naglaro. Labing isa (11) sa South Team na kinabibilangan ni James Yap, Marc Barroca at Jimmy Alapag habang sa North Team naman ay labingdalawang (12) katao ang bumuo na ilan sa mga sikat dito ay sina Gabe Norwooed, Mark Pingris at Terence Romeo na nananalo naman bilang Most Valuable Player sa dami ng naipon na puntos. Napanalunan ng North team ang palaro sa score na 166 habang sa South Team naman ay 161.

 

Ang PBA All Star Games ay handog ng Riotuba Nickel Corportation at Coral Bay Nickel Corporation sa bawat Palaweno sa suporta ng Pamahalaang Lungsod ng Puerto Princesa.  Ito ay bahagi ng kompanya bilang “social responsibility” sa pamayanan.

Article Type: 
Categories: