MGA KOLEKSIYON NG 2019, POSITIBO AT LUMAMPAS SA NILALAYON!
Mahigit sa 100% lampas sa nilalayong koleksyon mula sa mga buwis, butaw, bayarin at pang-ekonomikong pinagkakitaan ng pamahalaang lungsod sa taong 2019.
Opisyal na sinimulan ang selebrasyon ng Nutrition Month sa lungsod nitong Hulyo a-dos sa pamamagitan ng isang programa sa New City Hall Complex
Sa mensahe ni Mayor Lucilo Bayron sa harap ng mga Barangay Nutrition Scholars, empleyado ng Pamahalaang Lungsod, 4P’s beneficiaries, mga miyembro ng City Council at mga barangay kapaitan at opisyales nito, nais ng alkalde na turuan ang mga nanay ng tamang paghahanda ng sapat at masustansiyang pagkain upang mabawasan ang bilang ng malnourish sa lungsod.
25 miyembro ng Babuyan Seaweed Planters Association ang tumanggap ng sertipiko ng mga gantimpalang kagamitan mula sa Grassroot Participatory Budgeting-Bottoms up Budgeting (GPB-BUB) Seaweeds Farming Project nitong ika-16 ng Hulyo.
Ito ay proyekto ng Department of Agriculture- Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (DA-BFAR) MIMAROPA kaagapay ang Pamahalaang Lungsod ng Puerto Princesa.
Binibigyang pagkakataon ng Pamahalaang Lungsod ang mga may-ari ng mga ari-ariang di-natitinag na makapagbayad ng karampatang buwis para sa taong 2018 ng may diskwento. Kung ang kabuuang halaga ay mabayaran sa loob ng ikatlong kwarter ng taon, may ibibigay na 2.5% kabawasan at 2% naman ang pataw na multa sa bawat buwan nang pagkahuli sa pagbabayad.
Patuloy ang pagsisikap ng Pamahalaang Lungsod sa pangunguna ng City Health Office at Local AIDS Council sa pagsisikap na patuloy na matugunan ang tumataas na kaso ng HIV sa lungsod.
Napili ng Kagawaran ng Agham at Teknolohiya (Department of Science and Technology) na maging “pilot area” ang Puerto Princesa para sa programang hinggil sa ligtas na pagkain. Ito ay pagtalima sa Food Safety Act of the Philippines (RA 10611). P1.3M ang inilaang nilang pondo para sa pagpapatupad nito kapag nalagdaan ang kasunduan sa pagitan ng lokal na pamahalaan at ng kagawaran.
Muling napatunayan ng mga plus-size women na chubby is the new sexy sa gabi ng koronasyon ng Binibining Sexsi 2018 noong March 2, 2018 sa City Coliseum.
Sa ikalawang taon ng Binibining Sexsi, muling nilalayon ng patimpalak na mabigyan ng pagkakataon ang mga dalagang chubby na maipakita ang kanilang talento at talino. Mapatunayang higit sa timbang ay mayroong taglay na galing at kakayahan na madalas ay hindi nakikita dahilan may binibigyang pansin ang timbang. Isang paraan ito maalis ang diskriminasyon sa mga plus size na kababaehan.
Positibo sa paralytic shellfish poison o red tide ang Honda Bay batay sa inilabas na Shellfish Advisory no. 42 at shellfish bulletin no. 40 ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) kahapon Disyembre 5. Umabot sa 72.03 µgSTXeq/100g toxic level sa shellfish meat na nakolekta sa Honda Bay.
Ligtas ng kainin ang shellfish at mga lamang dagat na makukuha sa Puerto Princesa Bay, matapos na ibaba ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang shellfish ban dahilan sa red tide.
Sa inilabas na advisory ng BFAR nitong Nobyembre 18, negatibo na ang Puerto Princesa Bay sa Paralytic Shellfish Poison na nagre-resulta sa red tide toxin matapos ang kumuha ng samples sa karagatang sakop ng Puerto Princesa Bay sa loob ng tatlong linggong magkakasunod.
“Kindness, yon ang malasakit para sa akin, kung may pagkakataong makapagbigay ng malasakit sa kliyente, gawin natin, wag na tayong mag-contribute sa problema sa ating opisina” ito ang buod ng mensahe ni Mayor Lucilo R. Bayron sa pagbubukas ng ika-117th taong pagdiriwang ng Buwan ng Serbisyo Sibil sa lungsod nitong Setyembre a-uno sa Puerto Princesa City Coliseum.