CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment

Printer-friendly version

Puerto Princesa, November 6 CIO - Nagbukas ng sundown clinic ang Social Hygiene Clinic ng City Health Office upang higit na mapagsilbihan ang mga kliyente nito. Bukas ang clinic mula alas singko ng hapon hanggang alas otso ng gabi, lunes hanggang linggo. Bukas ang sundown clinic sa lahat ng MSM (men having sex with men) na nangangailangan ng libreng laboratory services.

 

Ang pagbubukas ng sundown clinic ay bunsod ng patuloy na pagtaas ng bilang ng positibo sa AIDS  sa lungsod. Sa isinagawang unang pagpupulong ng local AIDS council nitong oktubre, inilahad ni Dr. Eunice Herrera, local coordinator AIDS Program ang sitwasyon ng lungsod. Ayon kay Dr. Herrera, kapansin-pansin ang pagtaas ng bilang ng MSM na positibo sa AIDS. Mula sa nakaraang dalawang taong datus, tumaas ng mahigit limampung porsiyento sa pagitan ng 20-35 edad ng mga lalakeng nakikipag relasyon sa kapwa lalake.

 

Sa pagbubukas ng sundown clinic may pagkakataon ng magpa-check up at sumailalim sa laboratory  examination ang MSM na gabi ang bakanteng oras dahil sa trabaho o nahihiyang magtungo sa social hygiene clinic. Nagbibigay din ng HIV-counselling sa pamamagitan ng peer-coordinator sa clinic. Hindi din dapat mabahala ang kliyenteng tutungo sa sundown clinic, panuntunan dito na pananatilihing sekreto ang pagkatao at resulta ng AIDS test upang pangalagaan ang personal na buhay ng bawat kliyente dito.

 

Article Type: 
Categories: