CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment
P200,918,681.83 ang kabuuang koleksyion ng buwis mula sa ari-ariang hindi natitinag ang nalikom ng pamahalaang lungsod ng Puerto Princesa sa taong 2016. Mas mataas ito ng 13.5% sa koleksyon noong 2015 na 173,643,003.29. Lampas ng P85, 418,681.83 sa nilalayong 2016 target na P115,500,000.
Ayon kay G. Joel Solina, Real Property Tax Division Chief, mataas ang naipong buwis noong buwan ng Nobyembre na umabot 62%. Marahil aniya, nakatulong ang koleksyion ng mga buwis at butaw mula sa mga sinubastang 10 lote. Umaaabot sa kalahating milyon ang naidagdag nito sa kaban ng siyudad.
1% o P66,972,893.94 ng kabuuang halaga sa nalikom na buwis ay mapupunta sa Special Education Fund(SEF). Dito nanggagaling ang pantustos sa mga ibang pangangailangan ng mga paaralan sa lungsod tulad ng pondo sa mga pagsasanay at pangsweldo sa mga kinakailangang dagdag na guro na hindi pa permanente ang posisyon. 2% naman o P133,945,787.88 ang ilalaan sa Basic Fund na siyang pondo para sa mga proyekto at programa ng lokal na gobyerno.
Masigasig ang pamunuan ni Mayor Lucilo R. Bayron na makolekta pa ang buwis mula sa mga delingkwenteng mambubuwis upang mas marami pang kaunlaran ang magagawa sa Puerto Princesa. Hinihikayat din na maagang magbayad ng takdang buwis upang magkadiskwento sa halagang babayaran. Sa ganitong paraan maiiwasan na ang paghahabol at ang pataw kapag nahuling magbayad.
Featured Articles |
USAID/SURGE Project |