CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment
Isa ang lungsod ng Puerto Princesa sa nanalong Outstanding Local Government Unit sa Highly Urbanized City category sa 2008 Search for National Literacy Awards. Ito ay ipinaabot ni Mr. Servillano A. Arzaga, Schools Division Superintendent ng dibisyon ng lungsod sa pamunuan ni Mayor Edward S. Hagedorn sa pamamagitan ng sulat.
Ang pagkapanalo ng lungsod ay dahil na rin sa mga polisiya, programa at proyekto ng pamunuan ni Mayor Edward S. Hagedorn na sumusuporta sa pagpapataas ng antas ng karunungan ng mga residente.
Ang awarding ay isasagawa sa annual National Literacy Conference and Awards na isasagawa sa ika 17-19 ng Setyembre taong kasalukuyan sa Teacher’s Camp, Baguio City kaugnay sa pagdiriwang ng Literacy Week. Ang parangal ay ipagkakaloob ng Department of Education (DepEd) sa pamamagitan ng Literacy Coordinating Council (LCC).
Maaalala na noong nakaraang ika 31 ng Hulyo ay dumating sa lungsod ang mga hurado sa nasabing patimpalak para magsagawa ng on-site validation at berepikasyon ng mga proyekto ng lungsod may kaugnayan sa pagpapa-angat ng karunungan sa lungsod.
Samantala, lubos ang kasiyahan ni Mayor Hagedorn sa parangal at pangako nito na patuloy na isusulong ng kanyang administrasyon ang mga proyekto para sa edukasyon dahil naniniwala ito na malaki ang kontribusyon ng edukasyon at kaalaman sa pagsulong ng lungsod.
By: City Information Office
Featured Articles |
USAID/SURGE Project |