CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment

Printer-friendly version

Puerto Princesa, Sept 24(CIO) - Sa layuning mapibilis ang kumpirmasyon ng TB cases sa lungsod, pormal na inilunsad ang DETEC TB project sa pakikipag-tulungan sa Korea Foundation for International Health (KOFIH), World Health Organization (WHO), Korea Institute of Tuberculosis (KIT), Department of Health (DOH) at City Health Office. Dumating sina Dr. Lee Soo-Ku, president ng KOFIH, Dr. John Patrick Ehrenberg, Director ng WHO, DOH Undersecretary Dr. Pauleen Jean Opial at Dr. Gloria Balboa, DOH Regional Director upang saksihan ang pormal na paglulunsad ng nasabing proyekto.

Sa DETEC TB project, mabilis ang kompirmasyon ng TB sa isang pasyente. Bumuo ng mobile detec tb team mula sa City Health Office na sasama sa bus sa pag-ikot sa sampung pilot areas ng proyekto. Dalawang doctor, nurse, med tech at x-ray technician na nagsanay sa bansang Korea ang bumubuo sa grupo. May kompleto at makabagong pasilidad din ang bus tulad ng x-ray machine, sputum exam at gene expert na magpapabilis sa eksaminasyon para sa agarang resulta nito. Libre ang eksaminasyon gayon din ang gamot sa TB mula sa City Health.

Ang dalawang taong DETEC TB project sa lungsod ang nakikitang solusyon ng Department of Health sa napakababang case detection at cure rate ng City Health sa lunsod. Ayon kay DOH Regional Director Gloria J. Balboa, batay sa DOH score card ang lungsod ay nasa red category at dapat na maitaas sa green category bilang bahagi ng kampanyang kalusugan pangkalahatan ng pamahalaang nasyonal.

Kabilang ang mga barangay ng Bagong Silang, Pagkakaisa, Mabuhay, Concepcion, Tanabag, Langogan, Montible, Sta. Lucia Iwahig, Inagawan Sub at City Jail sa pilot site ng DETEC TB project.(maya estiandan)

Article Type: 
Categories: