CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment
Puerto Princesa, Oct.21 CIO - “ Patuloy ang konsultasyon ng ating tanggapan para sa mamamayan kaugnay sa kanilang kahilingan na maibsan ang dinadalang problema, partikular ang may kinalaman sa kanilang pamilya o pamayanan. “
Ito ang madamdaming pahayag ni Vice Mayor Luis M. Marcaida III sa isinagawang ulat sa bayan kaugnay sa Isang daang araw ng kanilang panunungkulan. Sa punto naman ng Sangguniang Panlungsod kung saan siya ang Presiding Officer, umaabot sa 184 na resolusyon ang kanilang ipinagtibay at mahigit sa apatnapu naman ang pending sa kapulungan, labing dalawa naman ang ordinansang inaprubahan at tatlumput isa ang nakabinbin sa konseho. Ang 14th Sangguniang Panlungsod sa pakikipagtulungan ng mga konsehales ay nagpasa ng ilan sa mahahalagang resolusyon tulad ng pagbibigay ng kapahintulutan sa Punong Lungsod na pumasok sa isang kasunduan sa Pamunuan ng City Water District kaugnay sa rehabilitasyon ng source of water ng Barangay Bagumbayan nasa kanlurang bahagi ng lungsod. Ang Bagumbayan ay isa sa mga barangay na lubhang nahihirapan sa pagkukunan na malinis na inuming tubig. Kasama din ang isang resolusyon nag lalayong magkaroon ng Memorandum of Agreement sa pagitan ng Paleco at ng Pamahalaang Lungsod para sa tuloy-tuloy na pagpapailaw ng mga Barangay ng Bacungan, Babuyan, Langogan at Macarascas. Magkaisa naman silang nagbigay ng indorsement sa SM Holdings para maumpisahan na ang pagpapatayo nito . Tinatayang aabot sa apat na libong trabahante mula sa Lungsod at Lalawigan ang makikinabang dito sa konstruksyon ng SM Mall.
Samantala , inuulat din ni Bise Mayor Marcaida ang resulta ng pakikipagpulong ni Konsehal Matthew K. Mendoza sa mga cruise ship owners at malaki ang potensyal umano na ang Palawan ay isa sa mga gagawing tourist itinerary ng kanilang mga barko. Positibo rin ang resulta ng pakikipag usap ni Eleutherius L. Edualino sa mga IT Companies para sa posibleng paglalagay ng Call Centers dito sa Lungsod. Nagpasalamat din si Vice Mayor Marcaida sa tiwalang ibinigay ni Punong Lungsod Lucilo R. Bayron para pamunuan ang task force BANAT, na siyang humahawak ngayon laban sa illegal na droga. Sa kasalukuyan, lima na ang kanilang nasakote laban sa ipinagbabawal na gamot. Nilinaw din niya ang isyu na umano si Attorney Hermie Aban ay nagtatrabaho sa kanyang tanggapan. Bilang panghuli, hiningi ni Bise Mayor Marcaida, ang pagkakaisa ng sambayanang Palaweno para tulungan at suportahan ang Apuradong Administrasyon na walang iniisip kundi ang kapakanan ng mamamayan . Kanya ring binanggit na malapit nang matapos ang ilang linggo rin niyang pagbabantay at pagluwas sa kamaynilaaan para siguraduhin na ang sagradong boto ng taong bayan na ipinagkaloob sa kanya ay di mapariwara o masayang man lang.
Featured Articles |
USAID/SURGE Project |