CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment
Puerto Princesa, Oct. 8 CIO - Ipapawalang halaga ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang perang nabibilang sa new design series (NDS) o lumang serye ng salapi na inilunsad noong 1985. Ito ang mga perang ang disenyo sa likurang bahagi ay gusali, selebrasyon, rice terraces at ang harapang bahagi ay pawang mukha ng mga bayani.
Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas sa isinagawang public information campaign nitong oktubre sa City Hall Complex, ipinaliwanag ni Atty. Tomas Cariño, Deputy Director BSP Lucena Branch na ang lumang serye ng salapi ay papalitan ng bagong serye o new generation currency (NGC). Ayon kay Ma. Victoria Ledesma, Currency Operations Officer ang new generation currency ay perang ang likod na bahagi ay may disenyong natatanging tanawin mula sa mga rehiyon ng bansa. Bahagyang magaspang din ang bagong serye ng pera dahilan gawa ito sa cotton at Philippine abaca. Nagtataglay ito ng security thread, security fiber, water mark at mapapansing papataas ang pagkakasulat ng serial number nito.
Ang lumang serye ng salapi ay maaaring gamiting pambayad at panukli hanggang Disyembre 2015. Mula enero hanggang disyembre 2016, papalitan na lamang ito sa mga bangko at BSP, hindi na ito magagamit na pambayad o panukli. Mula enero 2017, wala na itong halaga at hindi na magagamit pa.
Ang bagong serye ng salapi na inilunsad noong disyembre 2010 na lamang ang maaring gamiting pambayad at panukli mula enero 2016.
Featured Articles |
USAID/SURGE Project |