CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment

Printer-friendly version

Puerto Princesa, Jan. 30 CIO - Matagumpay ang pagbibigay serbisyo ng Person with Disability Affairs Office o PDAO sa taong 2014 sa higit kumulang na 3,100 PWD’s na nakarehistro sa kanilang taggapan. Pangunahing serbisyo nito ang pagbigay ng financial assistance sa mga rehistradong PWD’s. Sa nakaraang taon, ang tanggapan ito ay may budget na pitong milyon dalawang daan walumpong libo at limangdaang piso (7,280,500).

Sa lumipas na taon ay naitatag ang PWD chapter organizations sa 47 na mga barangay. Nakapaglunsad din ang PDAO ng 15 proyektong pangkabuhayan para sa organisasyon ng PWD’s.

Matatandaang matagumpay na ipinagdiwang ang National Disability Prevention and Rehabilitation Week noong ika-labing tatlo hanggang ika-dalawampu’t tatlo ng Buwan ng Hulyo taong 2014. Sa nasabing pagdiriwang ay may mga nakatanggap ng saklay at wheel chair sa ilalim ng “Tatay Assistive Devices Program”.

Samantala, nagkaroon din ng kampanya upang magturo at magbigay ng oryentasyon ukol sa mga karapatan, pribilihiyo at insentibo ng mga PWD’s sa pamamagitan ng mga mangagawa ng PDAO sa mga barangay, paaralan at iba pang ahensiya. Naisagawa rin ang capability-building and empowerment of PWD leaders upang mapalakas ang kanilang pamumuno sa kani-kanilang lugar.

Dagdag pa dito, labing-isang estudyante na may kapansanan ang nairekomenda para sa scholarship sa WPU at PSU. Meron din labing-limang PWD students ang sumailalim sa skills training sa pamamagitan ng TESDA.

Inaasahan ngayong 2015, ay mas madami pang mga kababayang may kapansanan ang maabot at mairehistro sa PDAO, at marami pang proyekto ang maisagawa sa pamamagitan ng tanggapang ito, sapagkat may nakalaang walong milyon apat na raan walumpu’t limang libo, pitong daan at apat na pong pisong (8,485,740) budget para sa tanggapan ng PDAO.  Ang Person with Disability Affairs Office ay pinangungunahan ni Ginoong Ginaro V. Manaay, sa ilalalim ng Tanggapan ng Punong Lungsod. Ang PDAO ay binuo sa ilalim ng City Ordinance #538 noong October 12, 2012 na alinsunod sa Republic Acts 7277.

Article Type: 
Categories: