CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment

Printer-friendly version

Puerto Princesa, Dec. 07 CIO - Sampung lote na nasa Puerto Princesa ang sinubasta noong Nobyembre 25, 2016 sa gusaling panlungsod. Ito ang mga ari-ariang hindi natitinag na hindi nabayaran ang takdang buwis sa matagal na panahon, na nagresulta upang maipon at lumaki na ang kabuuang halaga.  Kinabibilangan ito ng isang lote sa Bgy. Mandaragat sa pangalan ni Hospicio Lachica, isa rin lote sa Bgy. San Pedro na pag-aari ni Ricardo Navalta, 1 sa Sta. Lourdes na nakapangalan kay Dianne Ylaya at 5 naman mula sa Sta. Monica na mga pag-aari nina Estela Divingracia, Annabelle Lucero at Jose Suva.  Dalawa  naman ang nasubasta mula sa Bgy.Sicsican na propriedad naman ni Paz Chan.

Umaabot  sa P 453,579.00 ang dapat bayaran  ng mga may-ari ng sampung lote.  Binubuo ito ng P 403,018.46 para sa buwis at butaw  at P150,580.95  na gastusin sa para sa pagpapasubasta.    Matapos ang mga hakbanging sa pagsusubasta, may kabuuang halagang P2,221,002.00 na halaga ng  napagbentahan ng  sampung lote.   Pansamantalang ilalagak muna sa “trust fund” ang perang ito sa loob ng isang taon, habang binibigyan ng pagkakataon ang mga dating may-ari ng mga lote na matubos pa ito. Kailangan lamang nilang bayaran ang lahat na bayarin sa gobyerno at ang 2% tubo ng halagang napagbentahan ng kani-kanilang lote.  Sakaling hindi nila ito natubos sa palugit na panahon, bibigyan  na ang mga nanalong “bidders” ng sertipikasyon ng pagkabili na kailangan namang lagyan ng “annotation” mula sa Land Registration Authority.  Sa paraang ito magiging legal na ang pag-aari nila sa lote.

Samantala, mula sa napagbilihan ng bawat lote, ibabawas ang lahat ng ginastos sa subasta at ang dapat na bayarin sa gobyerno.  Ang matitira dito ay ibibigay naman sa dating may-ari ng mga sinubastang ari-ariang di natitinag. 

Article Type: 
Categories: