CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment

Printer-friendly version

Puerto Princesa, June 9 CIO - Kaligtasan at seguridad sa lungsod ng Puerto Princesa ang pangunahing konsiderasyon ng Apuradong Administrasyon, ito ang buod ng mensahe ni Mayor Lucilo R. Bayron sa harap ng mga kawani ng Pamahalaang Lungsod sa regular na flag raising ceremony nitong lunes, Hunyo a-sais.

 

Unang hakbang nito ang pitong (7) bagong biling sasakyan na donasyon ng Apuradong Administrasyon para sa City PNP. Pormal itong nai-turn over ni Mayor Lucilo Bayron sa pangangalaga ni PSSupt. Redentor Marañon at agad ding binasbasan ni Rev. Father Francis Guzman. “Mahalagang ma-enhance ang kapasidad ng kapulisan ng lungsod upang maramdaman ng mamamayan ang seguridad na dala ng kapulisan”. “We owe this to the people of Puerto Princesa”, dagdag pa ng alkalde. Preparasyon din ito ng lokal na pamahalaan sa inaasahang pagdami pa ng turistang darating sa lungsod lalo na sa pagbubukas ng international airport dito. Mahalagang maramdaman ng mga turista na ligtas ang Puerto Princesa habang nandito sila.

 

Isang L-300, dalawang L-200, tatlong Adventure at isang Strada pick-up na nagkakahalaga ng 6,419,000.00 mula sa 10M enhancement program ng Pamahalaang Lungsod ang karagdagang sasakyan ng City PNP na gagamitin ng kapulisan sa pagtupad ng kanilang tungkulin. Nais ng alkalde na maging mobile ang mga sasakyang ito, kaya’t bibigyan ng gasoline allowance ang mga sasakyan. “Binili ang mga sasakyan na yan upang magamit” dagdag pa nito.

 

Labis ang pasasalamat ni PSSupt. Marañon sa donasyon ng Apuradong Administrasyon, inspirado at excited ang lahat ng kapulisan sa bagong gamit na ito. Pinasalamatan din ng chief of police ang alkalde sa lahat ng supporta nito sa City PNP at pinangakong tatapatan ito ng serbisyo lalo na sa mga mamayan ng lungsod.

 

 

 

Article Type: 
Categories: