CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment

Printer-friendly version

Puerto Princesa, Sept. 16 CIO - Itinakdang Development Policy Research Month(DPRM) ang buwan ng setyembre sa pamamagitan ng Malacanang Proclamation No. 247 na naglalayong itaguyod ang malawakang nagpapabatid sa kahalagahan ng pag-aaral ng panuntunan sa pagbuo ng plano, programa at polisiya ng buong bansa.

 

Sa ika-11 taong selebrasyon ng DPRM tema ay “ Making Health More Inclusive in a Growing Economy”. Ayon sa DPRM napili ang tema upang mabigyan ng agarang atensiyon ang napakalayong agwat sa pagitan ng mayaman at mahirap sa usapin ng kalusugan. Sa kabila ng patuloy na pagtaas ng  ekonomiya ng bansa ang mamayan ay nakakaranas pa din ng kakulangan sa pangangalaga ng kalusugan mula sa pamahalaan. Pangungunahan ng Philippine Institute for Development Studies (PIDS) ang pagplano ng mga aktibidad para sa nasabing selebrasyon.

 

Kaugnay dito ang lahat ng lokal na pamahalaan ay hinihikayat na makiisa sa selebrasyon. Dito sa lungsod ng Puerto Princesa, sa pamamagitan ng City Information Department ay mayroong pabatid sa dengue sa pamamagitan ng video wall sa kahabaan ng Rizal Avenue sa buong buwan ng selebrasyon. Maging sa radio ay mayroong 30 segundong institutional ads bilang dagdag kaalaman sa pag iwas sa dengue. Naglagay din ng streamer sa harapan ng city hall upang makita ng mga papasok sa gusali. Sa pamamagitan nito ay inaasahang maipabatid sa lahat ang kahalagahan ng DPRM.

 

Article Type: 
Categories: