CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment

Printer-friendly version

Puerto Princesa, November 9 CIO - Nilagdaan na ni Mayor Lucilo R. Bayron ang pagpapatupad ng Ordinansa Bilang 692 na tinaguriang “Death Benefit System Ordinance” patungkol sa sistemang pagbabayad ng katumbas ng anim na buwang suweldo sa yumaong  regular na empleyado o inihalal na opisyales ng Pamahalaang Panglungsod ng Puerto Princesa.

 

Layon ng ordinansa ang pagbibigay ng pinansiyal na suporta sa mga naiwang pamilya ng pumanaw. Sa pamamagitan nito mababawasan ang bigat ng gastusin sa pagpapalibing at nagsisilbi rin itong pagpapaabot ng simpatiya sa pamilya at kamag-anak .  Kailangan lamang na kompleto sa mga legal na dokumento upang maiproseso ng mabilis ang mga papeles upang mabayaran. 

 

Ang naiwang posisyon ng yumaong empleyado ay hindi muna lalagyan ng tao sa loob ng anim na buwan  upang makalikom ng sapat na pundong pambayad.  Sa City Personnel Office ipinapasa ang pangalan  ng  empleyado sa loob ng anim na buwan matapos pumanaw.  Kinakailangan din na   may pangalan ng tatlong legal na benepisyaryo. 

 

Ang Ordinansa Bilang 692 ay iniakda nina Kgd. Modesto V. Rodriguez II, Kgd. Vicky T. De Guzman,Kgd. Roy Ventura at Kgd. Peter Q. Maristela .  Kinatigan ito noong  ika-113 regular na sesyon ng ika-14 na Sangguniang Panlungsod ng Puerto Princesa.(amie)

 

Article Type: 
Categories: