Nagpatawag ng isang public hearing ang Committee on Health and Sanitation ng Sangguniang Panlungsod kamakailan  para alamin ang situwasyon ng inuming tubig na ibinibenta ng mayroong walumput limang (85)  water refilling stations dito sa lungsod ng Puerto Princesa.

 

Malugod ang pagsuporta ng pamunuan ni Mayor Lucilo R. Bayron sa pagdiriwang ng “World Donor Day”  na ginanap sa Puerto Princesa noong Hunyo 14, 2015.  Ang mga kawani ng City Health Office ay isa sa mga naging punong abala sa isang simple ngunit makabuluhan programa sa  paglilipat ng sulo mula Romblon Provincial Blood Council patungo sa Palawan Blood Council na sinimula sa pamamagitan ng isang “Advocary Run.”  Ang tema ngayong taon ay “ Salamat sa Pagsagip mo ng Aming Buhay” (“ Thank you for saving our lives”)

          Labing-isang bansa mula sa South East Asia kabilang na ang Pilipinas ang kasalukuyang nagtatagisan sa larangan ng sports sa Singapore simula June 1 – 16, 2015.  Limang ginto ang nakuha ng Pilipinas sa isang araw mula sa ibat-ibang sports discipline na nag-angat sa ating bansa para makuha ang  ika-anim na puwesto sa overall standing.  Nangunguna pa  din ang bansang Singapore, Thailand, Vietnam, Malaysia at Indonesia sa kabuoan, subalit umaasa pa din ang Pilipinas na makakuha pa ng walong medalyang ginto sa larangan ng boxing finals sa araw na ito.

 

Abala na ngayong lingong ito ang tangapan ng City Enro sa pamumuno ni Tutu Almonte, hepe ng nasabing departamento. Naisaayos na umano ang lugar ng pagtataniman habang isinasagawa na rin ang paghahakot ng mga seedlings na may kabuuang 60 to 80 thousand seedlings na itatanim sa inihandang walo (8) hangang sampung (10) ektarya at ito ay isasagawa sa Sta. Lucia Hot Spring bilang paghahanda sa Silver Year Celebration sa darating na Hunyo a bente-siyete  ng taong kasalukuyan.

 

Puerto Princesa June 2 CIO - “ Kung kinakailangang abutin pa  natin ang malalayong barangay  ng Lungsod para sa  ibat-ibang  serbisyo mula sa ating  lokal na pamahalaan , gagawin po  natin , pupuntahan namin  kayo saan man kayo naroon ang serbisyo ng Damayan ang siyang lalapit na sa inyu ,  libre at tulong  para sa ating mamamayan , ito ay isa sa mga pinangako ko  sa inyo, na aking tutuparin “.

  • Puerto Princesa, June 1 CIO - Bilang paghahanda sa pagbubukas ng klase sa elementarya sa Barangay Tagburos ngayong June 1, 2015, isang hindi matatawarang biyaya ang pagsasalin sa pamamahala ng katatapos lamang na gusali na may tatlong silid-aralan, kaninang alas-kwatro ng hapon. Ito’y labis na ikinatuwa hindi lamang ng mga magulang kundi maging ang Principal na si Joy M. Aguilar Ph. D., Principal II ng Tagburos Elementary School.

                                                                                                                                                 

Puerto Princesa, May 27 CIO - Isinagawa  ang “program orientation” hinggil sa kalusugan ng mga kabataan  noong Mayo 26, 2015 sa Skylight Convention Center sa lungsod. Tinaguriang itong “WIND/S” o Water, Sanitation and Hygiene in Day Care Centers and Schools na ipinapatupad ng Pamahalaang Lungsod kaagapay ang UNICEF, Zuelleg Family Foundation, Department of Education, Early Child Care Council at ang City CSWD.  Dinaluhan ito ng mga opisyales mula 56 barangay, 148 day care teachers at kinatawan ng mga ahensiyang may kinalaman sa programa.

Puerto Princesa, May 27 CIO - Upang damhin ang huling hirit ng tag-init ipagdiriwang ang kauna-unahang Water Festival sa Lungsod ng Puerto Princesa.

Ang selebrasyon ay nagbukas hapon ng may 26, 2015 sa pamamagitan ng first water fun run mula Capitol hanggang Baywalk. Masaya ang mga partisipante habang tumatakbo at hinahagisan ng tubig, gawgaw (cornstarch) at food coloring sa kahabaan ng Rizal avenue patungong baywalk. Sa gabi ginanap ang fire dance competition elimination round at ang reggae party.

Navigation Menu