Puerto Princesa, Oct 1 CIO - Ibinigay ni City DILG Director Rey S. Maranan kay Puerto Princesa City Mayor Lucilo R. Bayron ang tatlong tseke matapos ang pagtataas ng watawat sa gusaling pamahalaan noong umaga ng Setyembre 28, 2015 . Nagmula ito  sa Kagawaran ng Interyor at  Pamahalaang Lokal (DILG) na may kabuuang halagang P2,655,779.23 bilang ayuda para mga proyektong patubig ng pamahalaang lokal sa ilalim ng Water Fund Bottoms Up Budgetting ng  2015.

Puerto Princesa City, Sept. 17 CIO - Nakasalang ngayon sa BIDS and Awards Committee ang purchase request (PR’s) mula sa CDRMMO para sa pagbili ng mga mahalagang kagamitan bilang bahagi ng capability building ng tanggapan at ng Pamahalang Lungsod para sa epektibong pagtugon sa mga kalamidad at emergency cases na kakaharapin ng lungsod. Ang mga ipinanukalang kagamitan na mayroong Approved Budget Contract(ABC) na nagkakahalaga ng 31,932,641.30 ay ang mga sumusunod:

 

1.       66 units emergency response vehicles with accessories:

          Puerto Princesa City, September 08 CIO – Sa pabatid na liham mula sa tanggapan ni Ginoong Jose Cesario O. Bautista- Acting Port Manager ng Philippine Ports Authority (PPA) para kay Ms. Aileen Cynthia M. Amurao – City Tourism Officer, ipinababatid nito ang schedule ng parating na sampung (10) cruise ships sa lungsod mula Enero hanggang Oktubre 2016, upang agad mapaghandaan ng City Tourism Office.  Narito ang talaan ng mga cruise ships at mga detalye:

 

Name of Vessel

Puerto Princesa, September 8 CIO - Malugod na tinanggap ni Mayor Lucilo R. Bayron mula kay City DILG Director Rey S. Maranan ang replica ng tsekeng may halagang P3M noong Setyembre a-7 taong kasalukuyan. Iginawad ito ng Kagawaran ng Interyor at Pamahalang Lokal o DILG bilang pagkilala sa katangi-tanging  pag-gamit at pagpapatakbo ng aspetong pang-pinansiyal ng Puerto Princesa o Good Financial Housekeeping.

 

Puerto Princesa City, Sept. 8 CIO - Pormal ng isinagawa ang pirmahan sa Loan Signing Ceremony na ginawa sa City Mayor’s Office ng mga kinatawan ng LandBank of the Philippines sa katauhan ni LBP FVP Filipina B. Monje at ng Lungsod ng Puerto Princesa na kinatawan naman ni Mayor Lucilo R. Bayron nitong Setyembre 3, 2015.

 

Puerto Princesa City, Aug. 27 CIO – Sa pamamagitan ng inisyatibo ni Mayor Lucilo R. Bayron , at pagsisikap ng City Agriculture Office sa pamumuno ni Ms. Melissa U. Macasaet, ay naipagkaloob sa Lungsod ng Puerto Princesa ang dalawang mahahalagang Farm-to-Market Road Projects mula sa Department of Agriculture sa ilalim ng Philippine Rural Development Program (PRDP) at pinondohan ng World Bank na may kabuoang halagang P106.9M. Ang dalawang mga FMR projects ay ang Bukang-Liwayway to Sitio Makandring  na may habang  8 kms.

Puerto Princesa, Aug. 18 CIO - Matapos ang tatlong buwang masusing pag-aaral ay naisakatuparan na ng  Department of Science and Technology (DOST) ang teknolohiya sa Learning English Application for Pinoys o LEAP at ang LIDAR Data na makabagong teknolohiya sa road mapping sa mundo. Ito ang ipinagkaloob nina DOST-NCR Regional Director Dr. Teresita C. Fortuna at Dr. Rowena Christina Guevarra kay Mayor Lucilo R. Bayron sa ginanap na press conference kahapon at sa mga regional directors sa MIMAROPA Region at South Luzon Cluster.

Puerto Princesa, Aug. 18 CIO - Umaabot sa dalawang daan at walumput-apat na mga empleyado ng Pamahalaang Panlungsod ang nakapag-avail ng serbisyo ng COMELEC Mobile Team. Ang hakbang na ito ay dulot ng isang liham mula sa samahan ng mga empeyado ng Lungsod na humiling sa pagtatakda ng isang araw na rehistrasyon para sa mga empleyadong walang panahong pumila sa tangapan ng COMELEC.  

 

Puerto Princesa, Aug. 11 CIO - Isa ang Puerto Princesa  sa mga  ahensiyang kasali sa Palawan Tourism and Trade Expo 2015  na ginanap sa Glorietta Activity Center  sa Makati mula ika-7 hanggang ika-11 ng Agosto.  Kabilang ito sa mga hakbangin ng pamunuan ni Mayor Lucilo R. Bayron sa  patuloy ng industriyang turismo sa siyudad.

 

Navigation Menu