Matagumpay ang pagbubukas ng taonang selebrasyon ng  Pangalipay sa Baybay sa lungsod nitong ika-24 ng Abril sa pangunguna ni Punong Lungsod Luis M. Marcaida III at City Tourism Office.

 

Mainit ang naging labanan ng siyam na grupong nakilahok sa Dance Battle 2017 ng 13th Pangalipay sa Baybay na ginanap nitong Abril 24 sa City Baywalk. Siyam na grupo ang lumahok na binubuo ng sampu hanggang labing-limang miyembro. Ang mga grupo ay dumaan sa elimination round na ginanap noong April 18, 2017 sa NCCC Mall Palawan.

Pormal na pinasimulan nina Mayor Luis Marcaida III, Aileen Cynthia Amurao, City Tourism Head, Dr. Eduardo Janairo, Department of Health Mimaropa Director at Philippine District Coast Guard ang limang araw na Training on Water Search and Rescue For Lifeguards noong ika-24 ng Abril taong 2017.

 

Nagsagawa ng pagpupulong ang Pamahalaang Panlungsod ng Puerto Princesa at United States Agency International Development (USAID)  upang talakayin ang mga kapamaraanang mas magpapatibay sa USAID-City-Private sector partnerships sa pagpapaunlad ng enerhiya, agrikultura, turismo, kalikasan at airport development ng Lungsod ng Puerto Princesa noong Miyerkules, ika-19 ng Abril sa Conference Room ng City Hall.

Nakatakdang dumating sa lungsod ang may tatlongdaan at isang (301) kadete ng Philippine Military Academy (PMA) mula May 7 hanggang 10 2017 sa isang Southern Cruise kung saan pinupuntahan ang mga siyudad sa mga lalawigan ng Pilipinas upang alamin ang kasaysayan nito.

Importanteng malaman ang mga kostumbre at tradisyon ng iba’t-ibang lalawigan upang mas maunawaan ang “way of life” ng mga mamamayan na nakatira dito. Mahalaga itong paghahanda sa destino ng PMA cadets, madali nilang makakasundo ang mga residente dahil napuntahan na nila ang lugar.

Personal na humarap si Punong Lungsod Luis Marcaida III kasama ang iba’t ibang kawani ng lungsod sa isinagawang public consultation nitong ika-11 ng Abril sa Bgy. Sta. Lourdez sa Lungsod ng Puerto Princesa upang talakayin ang isyu ng lawang kontaminado ng mercury bunga ng pagmimina sa lugar ilang taon ng nakalipas.

 

Lubos na pagkakaisang inaprubahan ng mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod ang ordinansang nagbabawal sa mga motoristang gumagamit ng mga blinkers at malalakas ang sinag ng ilaw sa isinagawang ika-40 na Regular na Session ng 15th Sangguniang Panlungsod nitong lunes, ika-17 ng Abril.

 

Puerto Princesa, April 12 CIO - Paiig-tingin pa ng Pamahalaang Lungsod ang kampanya tungo sa mas maunlad na industriya ng turismo bilang flagship at major industry sa Puerto Princesa. Katuwang ang media affairs bureau ng Philippine Airlines magsasagawa ng familiarization tour ang mga media ng bansa upang higit na maipakilala ang mga destinasyon at atraksyon sa lungsod na pinagmumulan ng pangkabuhayan ng mamamayan dito.

Puerto Princesa, April 12 CIO - Isang buwang libreng pagsasanay sa mga palarong pampalakasan (summer sports clinic) tulad ng basketball, athletics, badminton, sepaktakraw, football, swimming, volleyball, wushu, taekwondo, futsal, chess, arnis at gymnastics at iba pa ang gaganapin mula Abril 17 hanggang Mayo 17 sa Ramon V. Mitra Jr. Sports Complex sa pagtataguyod ng City Sports Office.

 

Bukas ang summer sports clinic sa lahat ng residente ng lungsod na interesadong sumailalim sa

Navigation Menu