Puerto Princesa, March 14 CIO – Pinasinayaan kamakailan ang gusaling Center for Girls na inilaan ng Pamahalaang Lokal ng Puerto Princesa para sa mga batang kababaihan  na naging biktima ng iba’t-ibang krimen sa lipunan.  Nakapaloob ito sa lupaing may sukat na 5 ektarya na nasa Purok Paglaum sa Bgy. Mangingisda ng lungsod.

Puerto Princesa, Jan. 18 CIO - Itinalaga bilang bagong Officer In Charge ng Puerto Princesa City Police Office o PPCPO si PSSupt. Redentor Jaurigue Marañon sa ginanap na Turn-Over of Office Ceremony nitong, January 13, 2016 sa Tanggapan ng Pulisya ng Lungsod.

Puerto Princesa, Jan. 18 CIO - Pinulong ni Mayor Lucilo Bayron kamakailan ang binuong Task Force El Niño upang simulan na ang preparasyon para sa napipintong pagdating ng tag-init sa lungsod.

Asahan ang matinding tag-init mula Enero hanggang Marso dulot ng El Niño. Ayon sa PAGASA, papalo sa 35 degrees ang pinaka-mainit na tempe- raturang dadanasin dito sa lungsod sa loob ng 3 buwan. Ipinaabot ito ng PAGASA sa ipinatawag na pulong ni Mayor Lucilo Bayron sa binuong Task Force El Niño.

Puerto Princesa, Dec 28 CIO - Kinilala bilang ika-lima sa pinakamagaling na Barangay Nutrition Scholars (BNS) sa buong Region IV si  Ruby Padillla ng Barangay Cabayugan. Ang pagkilala ay iginawad sa noong Setyembre 29 sa Manila kasabay ng pag-gawad sa lungsod ng Puerto Princesa bilang Most Promising City ng MIMAROPA.

Puerto Princesa, Dec. 28 CIO - Sa ginanap na ika-123 na regular na sesyon ng ika-14 na Sangguniang Panlungsod ng Puerto Princesa ipinagtibay ang Resolusyon No. 1374-2015, “A RESOLUTION REQUESTING THE CITY ENGINEERING OFFICE TO FULLY IMPLEMENT CITY ORDINANCE NO. 196 OTHERWISE KNOWN AS “AN ORDINACE REGULATING THE CONSTRUCTION OF HUMPS WITHIN THE ROADS AND STREETS OF PUERTO PRINCESA”.”

Puerto Princesa, Dec. 28 CIO - Sa hangarin ni Mayor Lucilo R. Bayron na mapabilis at maging magaan ang pagkuha ng mga permit at lisensya ang mga negosyo sa Puerto Princesa sa susunod na taon, nilagdaan niya ang Executive Order Bilang 19, serye ng 2015. Tinagurian itong “Pagpapatatag ng simpleng pagpaparehistro ng mga negosyo sa Puerto Princesa” o Institutionalizing the simplified business registration for businesses in Puerto Princesa.”

Navigation Menu