Puerto Princesa, Feb. 12 CIO - Hinandugan ni City Mayor Lucilo R. Bayron ng simpleng agahan ang mga atletang bumubuo ng Puerto Princesa delegation sa katatapos na MIMAROPA Regional Athletic Association Meet na idinaos sa bayan ng Narra noong nakaraang linggo.

 

Sa kanilang pagbibigay-pugay sa tanggapan ng alkalde, ipinaabot ng mga kabataang manlalaro ang pasasalamat sa suportang ipinagkaloob ni Mayor Bayron at ng Pamahalaang Lungsod.

 

 

Puerto Princesa, Feb. 02 CIO - Sa layuning pag-ibayuhin ang kampanya laban sa mga ipinagbabawal na gamot at mahadlangan ang paglaganap nito sa mga paaralan lalo nasa mga barangay, isa pang kilusan ang nilikha ng Pamahalaang Lungsod ng Puerto Princesa para sa kapangalagaan ng mga mamamayan.

 

Puerto Princesa, Feb.02 CIO - Simula sa Pebrero 13 ng taong kasalukuyan ay magkakaroon na ng tuwirang biyahe ng eroplano sa pagitan ng Taipei at Puerto Princesa City para sa mga turistang magmumula sa bansang Taiwan.

 

Inihayag ito ni Mayor Lucilo R. Bayron kasunod ng pagpapabatid ng pangasiwaan ng Philippine Airlines sa paglulunsad nito ng kanilang maiden flight sa nabanggit na petsa sa pagitan ng dalawang siyudad.

 

Puerto Princesa, Jan. 30 CIO - Matagumpay ang pagbibigay serbisyo ng Person with Disability Affairs Office o PDAO sa taong 2014 sa higit kumulang na 3,100 PWD’s na nakarehistro sa kanilang taggapan. Pangunahing serbisyo nito ang pagbigay ng financial assistance sa mga rehistradong PWD’s. Sa nakaraang taon, ang tanggapan ito ay may budget na pitong milyon dalawang daan walumpong libo at limangdaang piso (7,280,500).

Puerto Princesa Jan. 30 CIO - Pinag-aaralan ngayon ng Pamahalaang Lungsod ng Puerto Princesa ang posibilidad na pahabain ang panahon ng selebrasyon ng Puerto Princesa Underground River (PPUR) Day nang hanggang isang linggo.

 

Sinabi ni Mayor Lucilo R. Bayron na ang unang pagdiriwang ng PPUR Day noong nakaraang Nobyembre 11, 2014 ay naging matagumpay sa pagdagsa ng maraming panauhin hindi lamang mula sa lungsod at lalawigan kundi maging ng mga lokal at dayuhang turista.

 

Puerto Princesa, Jan. 27 CIO - Masiglang lumisan kaninang umaga ang mayroong 705 mga atleta at opisyal ng  Puerto Princesa Athletic Delegation para sa 2015 Mimaropa Regional Athletic Association Meet na gaganapin sa Narra, Palawan sa Pebrero 3-7 ng taong kasalukuyan, baon ang mga kataga ng inspirasyon mula sa Punong Lungsod Lucilo R. Bayron.

 

Navigation Menu