Puerto Princesa, Nov. 17 CIO - Muling sasabak sa isang international beauty pageant ang dalagang mula sa Lungsod ng Puerto Princesa sa katauhan ni Bb. Cindy Pacia Madumma. Napili ng Miss Scuba Philippines team si Madumma na maging kinatawan ng bansang Pilipinas sa gaganaping Miss Scuba International 2015 Pageant sa  November 27 sa Kota Kinabalu, Malaysia. 

Puerto Princesa City, Nov. 16 CIO – Magkaisang ipinagtibay ng Sangguniang Panglungsod ang isang resolusyon na nagbibigay ng papahintulot kay Punong Lungsod Lucilo Rodriguez Bayron para pumasok sa isang Memorandum of Agreement sa pagitan ng PamahalaangLungsod at Bureau of Custom.

 

Puerto Princesa, Nov. 16 CIO - Pormal ng pinailawan ni Punong Lungsod Lucilo Rodriguez Bayron ang 34 poste ng bagong tayong streetlights na matatagpuan sa Rafols Road nitong Nobyembre a dyes, ganap na alas-sais ng gabi. Ito ay ang kalsadang matatagpuan sa Western Philippines University o WPU papuntang DPWH.

 

Puerto Princesa, November 9 CIO - Nilagdaan na ni Mayor Lucilo R. Bayron ang pagpapatupad ng Ordinansa Bilang 692 na tinaguriang “Death Benefit System Ordinance” patungkol sa sistemang pagbabayad ng katumbas ng anim na buwang suweldo sa yumaong  regular na empleyado o inihalal na opisyales ng Pamahalaang Panglungsod ng Puerto Princesa.

 

Puerto Princesa, November 9, CIO - Humigit kumulang sa 4,000 kasapi mula sa ibat-ibang panig ng bansa ang inaasahang dadalo sa ika-78 kombensiyon ng Philippine Institute of Certified Public Accountants na gaganapin sa City Coliseum ng Puerto Princesa mula Nobyembre 25-28, 2015.  Ang nasabing pagtitipon ng mga accountants ay may temang “ Sharing Success Beyond Borders”.

 

Puerto Princesa, November 9 CIO - Inaprobahan na ng 14th Sangguniang Panglunsod ang pagpapatupad ng Ordinansa Bilang 696. Ito ay nagtatakda na kinakailangan bayaran ang mga buwanang sweldo ng mga  empleyado ng Pamahalaang Panlungsod ng Puerto Princesa na mga kontrakwal at job order tuwing katapusan ng bawat buwan na hindi naman dapat lalampas sa a-kinse ng susunod na buwan.

 

Puerto Princesa, November 9 CIO - Upang maikintal sa isipan ng mga mamamayan ang sustansiyang dulot ng brown rice, ang City Agriculture Office ay nagsasagawa ng iec campaign sa mga barangay ng lungsod. Ito ay isang paghahanda sa pagdiriwang ng National Rice Awareness Month ngayong buwan ng nobyembre.

 

Ang brown rice ay organic dahil hindi ito ginagamitan ng kemikal tulad ng pesticides at fertilizers. Ito ay sagana sa vitamin B na pinagkukunan ng fiber. Ang brown rice ay malawakang itinatanim sa probinsiya ng Negros Occidental at sa Central Luzon.

 

Puerto Princesa, November 6 CIO - Nagbukas ng sundown clinic ang Social Hygiene Clinic ng City Health Office upang higit na mapagsilbihan ang mga kliyente nito. Bukas ang clinic mula alas singko ng hapon hanggang alas otso ng gabi, lunes hanggang linggo. Bukas ang sundown clinic sa lahat ng MSM (men having sex with men) na nangangailangan ng libreng laboratory services.

 

Pages

Navigation Menu