CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment

Muling napatunayan ng mga plus-size women na chubby is the new sexy sa gabi ng koronasyon ng Binibining Sexsi 2018 noong March 2, 2018 sa City Coliseum.

Sa ikalawang taon ng Binibining Sexsi, muling nilalayon ng patimpalak na mabigyan ng pagkakataon ang mga dalagang chubby na maipakita ang kanilang talento at talino. Mapatunayang higit sa timbang ay mayroong taglay na galing at kakayahan na madalas ay hindi nakikita dahilan may binibigyang pansin ang timbang. Isang paraan ito maalis ang diskriminasyon sa mga plus size na kababaehan.

Positibo sa paralytic shellfish poison o red tide ang Honda Bay batay sa inilabas na Shellfish Advisory no. 42 at shellfish bulletin no. 40 ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) kahapon Disyembre 5.  Umabot sa 72.03 µgSTXeq/100g toxic level sa shellfish meat na nakolekta sa Honda Bay.

 

Ligtas ng kainin ang shellfish at mga lamang dagat na makukuha sa Puerto Princesa Bay, matapos na ibaba ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang shellfish ban dahilan sa red tide.

 

Sa inilabas na advisory ng BFAR nitong Nobyembre 18, negatibo na ang Puerto Princesa Bay sa Paralytic Shellfish Poison na nagre-resulta sa red tide toxin matapos ang kumuha ng samples sa karagatang sakop ng Puerto Princesa Bay sa loob ng tatlong linggong magkakasunod.

 

“Kindness, yon ang malasakit para sa akin, kung may pagkakataong makapagbigay ng malasakit sa kliyente, gawin natin, wag na tayong mag-contribute sa problema sa ating opisina” ito ang buod ng mensahe ni Mayor Lucilo R. Bayron sa pagbubukas ng ika-117th taong pagdiriwang ng Buwan ng Serbisyo Sibil sa lungsod nitong Setyembre a-uno sa Puerto Princesa City Coliseum.

Sampu sa labindalawang tituladong lote ang naibenta ng Pamahalaang Lungsod sa pampublikong Auction Sale na isinagawa sa Atrium ng bagong pampahalaang gusali ng Puerto Princesa noong Hulyo 28, 2017.  Kinabibilangan ito ng mga lupain sa barangay Bacungan, Bancao-Bancao, San Jose, San Miguel, Sta. Loudes, Sicsican at San Manuel.  

“Maganda at mapagpalang umaga! Pasasalamat sa lahat ng dumalo at nakiisa”  ang naging pagbati ni Mayor Lucilo R. Bayron sa mga mamayan ng lungsod sa naging matagumpay na kauna-unahan at  makasaysayang Balayong tree planting festival na ginanap noong Sabado, Hulyo 29,2017 sa Ramon V. Mitra Sports Complex. Dinaluhan ito ng iba’t ibang pribado at pampublikong organisasyon, sektor at piling paaralan dito sa Lungsod ng Puerto Princesa.

 

Hinikayat ni Punong Lungsod Lucilo R. Bayron ang mga kawani ng gobyerno na makiisa sa gaganaping Balayong Tree Planting Festival sa Balayong Park sa darating na Hulyo 29, alas-sais ng umaga.

 

Tinatayang 1,200 balayong seedlings na may taas na limang talampakan ang itatanim. Dahil sa limitadong bilang ng mga seedlings at taas nito ay dalawa hanggang limang katao ang magtatanim sa bawat puno. Isa sa mga ito ay dapat lalake.

 

Magiging panauhing tagapagsalita si Punong Lungsod Lucilo Rodriguez Bayron sa pagbubukas ng Palawan Rugby Festival sa darating na ika 22-23 ng Hulyo sa Ramon V. Mitra Sports Complex.

 

Ang Palawan Rugby Festival ay mahahati sa dalawang bahagi: World Rugby level 1 Coaches Course na gagawin sa ika 20 at ang Match Officials Course sa ikalawang araw. Ang ikalawang bahagi ay laro na magsisimula sa araw ng Sabado ika 22 hanggang ika 23 ng buwang kasalukuyan sa Ramon V. Mitra Sports Complex.  

 

“Maganda na magkasama tayo sa trabaho para sa ating lungsod,” ito ang tinuran ni Mayor Lucilo R. Bayron sa naging pag-uusap nila ni Atty. Rocky Austria ng hikayatin ng una na maging kasama nito sa pagpapatupad ng programang pang sports ng Pamahalaang Lungsod.

 

Samantala, nagpasalamat naman si Atty. Austria sa ibinigay na tiwala at kumpiyansa ng Punong Lungsod na pamunuan nito ang City Sports Program sa ilalim ng kanyang panunungkulan.

 

Magkakaroon muli ng Public Auction Sale Of Delinquent Real Properties ang tanggapan ng Ingat Yaman o City Treasurer’s Office nitong buwan ng Hulyo. Ito ay isang paraan ng gobyernong paalalahanan ang mga mamamayan lalo’t higit ang mga hindi nakakapagbayad ng buwis ng mga ari-ariang di natitinag o real properties ng matagal nang panahon o lumampas na sa itinakdang palugit ng pamahalaan.