CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment

Printer-friendly version
  • Puerto Princesa, June 1 CIO - Bilang paghahanda sa pagbubukas ng klase sa elementarya sa Barangay Tagburos ngayong June 1, 2015, isang hindi matatawarang biyaya ang pagsasalin sa pamamahala ng katatapos lamang na gusali na may tatlong silid-aralan, kaninang alas-kwatro ng hapon. Ito’y labis na ikinatuwa hindi lamang ng mga magulang kundi maging ang Principal na si Joy M. Aguilar Ph. D., Principal II ng Tagburos Elementary School.

                                                                                                                                                 

                Inaasahan ni Ms. Aguilar ang pagtaas ng enrolment ngayong pasukan kumpara sa nakalipas na taon kung kaya’t higit nilang kailangan ang bagong gusali.

     

                Naging saksi sa turn-over ceremony ang barangay officials sa pamumuno ni Punong Barangay Panfucio L. Inocente na nagpahayag ng kagalakan at pasasalamat sa punong Lungsod sa lahat ng mga suporta na ibinibigay sa Barangay Tagburos at sa mga susunod pang mga proyekto.

     

                Sa kanyang mensahe sinabi ni Mayor Lucilo R. Bayron na mahalaga para sa kanyang administrasyon ang edukasyon sapagkat naniniwala siya na ang edukasyon ay susi sa kaunlaran. Nangako siya na patuloy ma bibigyan ng paglingap ang Barangay Tagburos at umaasa din siya sa patuloy na suporta ng mga mamamayan para sa mabilis na kaunlaran.(cio)

     

     

     

Article Type: 
Categories: