CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment

Printer-friendly version

Puerto Princesa, Nov. 24 CIO - Nagkakaisang inaprubahan ng Sangguniang Panlungsod ang  Resolution No. 1362-2015 na humihiling sa pinuno ng Oplan Linis at City Environment and Natural Resources Office na magsagawa ng pag-aaral sa tamang paraan ng pagtatapon o pag-iimbak ng lumang gulong.

 

Mahalagang sa maagang panahon ay mapag-aralan na ang tamang paraan ng pag-imbak o pagtapon ng gamit na o lumang gulong ng sasakyan upang maiwasan ang malaking bulto ng basurang dala ng lumang gulong.  Bagaman maraming maaring pag-gagamitan ng lumang gulong hindi ito natutunaw kahit sa ilang milyong taon. Dahilan ito upang ang pagsusunog nito ang nagiging paraan ng ilan upang maitapon ito, na lubhang delikado sa kalusugan at kapaligiran.

 

Sa pamamagitan ng resolusyon na inaakda ng Committee on Environmental Protection and Natural Resources inaasahang pag-aaralan ng dalawang nabanggit na ahensiya ang tamang paraan ng pagtapon at  pag-imbak ng gulong. Maiiwasan ang pagsusunog ng gulong at maipunan nito na maaring  mangyayari simula sa susunod na dalawang taon lalo pa at lubha ng napakarami ng motorsiklo at  sasakyan sa lungsod.

 

Matapos ang pormal na pag-appruba ng Resolution No. 1362-2015 inuutos na bigyan ng kopya ng resolusyon ang ahensiyang may kaugnayan gayon din ang tanggapan ng alkalde ng lungsod para sa positibong pagtugon dito.

 

 

Article Type: 
Categories: