CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment

Printer-friendly version

PUERTO PRINCESA CITY, Palawan, Peb. 29 (PIA) -- Magtatayo ang pamahalaang panlungsod ng isang sustainable aqua culture at techno demo farm sa Barangay Tagburos upang makatulong sa mga mangingisda ng lungsod.

Ayon kay Konsehal Luis Marcaida II, malaki ang maitutulong ng proyekto sa pagpaparami ng mga laman-dagat tulad ng iba’t-ibang uri ng isda, shellfish at mga halamang dagat na direktang kinukonsumo ng mga tao. Maliban rito, makakatulong rin ang proyekto upang magkaroon ng trabaho at pagkakakitaan ang mga residente sa lugar.

Ang pondo para sa sustainable aqua culture at techno demo farm ay mangagaling sa P2 milyong premyo na nakuha ng lungsod sa pagkapanalo nito ng Gawad Pamana ng Lahi Award ng Department of Interior and Local Government (DILG) noong nakaraang taon. (LBR/OCJ-PIA4B Palawan)

By Orlan C. Jabagat

 

Article Type: