CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment

Printer-friendly version

PUERTO PRINCESA CITY, Palawan, Peb. 15 (PIA) -- Mahigit 156 na pares ang pinag-isang dibdib sa kasalang bayang idinaos ng pamahalaang panlunsod ng Puerto Princesa at ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO).

Ang kasalang bayan ay isa lamang sa mga aktibidad na nakapaloob sa ‘Love Affair with Nature’ ng Puerto Princesa. Isa itong programang naglalayong pangalagaan ang kalikasan.

Ang mga pares na lumahok sa kasalang bayan ay mga mag-asawang nagsasama na ng higit sa limang taon, may anak na ngunit hindi pa kasal. Ang CSWDO ang naatasang pumili ng mga aplikanteng kwalipikado upang makasama sa nasabing kasalang bayan.

Si Puerto Princesa City Mayor Edward S. Hagedorn ang namuno sa seremonya ng kasal.

Hiniling ni Hagedorn sa mga ikinasal bilang kapalit ng kasalang bayan ang pagtatanim ng punong bakawan matapos ang seremonya.

Si Hagedorn na rin at ang kanyang maybahay na si Ellen M. Hagedorn ang tumayong pangunahing ninong at ninang ng mga ikinasal. (LBR/OCJ/PIA4B)

 

By Orlan C. Jabagat

Article Type: