CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment

Printer-friendly version

Napagwagian ni Stephanie Rutagines, kinatawan ng Association of Tourist Transport Services of Puerto Princesa ang 2nd Ms. Tandikan-Turismo 2009 na ginanap noong Setyembre 26, 2009 sa City Coliseum bilang pagdiriwang ng Tourism Month. Si Bb. Rutagines ay isang mag-aaral ng BS Tourism ng Palawan State University. Sa tanong ng mga hurado kung ano ang maitutulong niya sa turismo ng lungsod sakaling siya ang mapiling Bb. Tandikan 09 , buong gilas niyang sinagot na “tutulong ako sa pagpapanatili ng mga programa at proyektong panturismo na ipinapatupad ni Mayor Hagedorn. Papapalaganapin ko din ang pagpapatupad ng 3Rs . .ang Reduce, Re-use at Recycle upang mapangalagaan an gating kapaligiran”
Napanalunan ni Rutagines ang koronang likha sa perlas at blue-colored Swarovski crystals na may disenyong balahibo ng tandikan. Tumanggap din siya ng sampung libong piso, sash at mga regalo mula sa mga sponsors.
Naging mga panauhing pandangal sina Vice Mayor Lucilo Bayron at Unang Ginang Ellen Hagedorn na kapwa nangako ng kanilang suporta sa lahat ng mga gawain na susulong sa pag-unlad ng turismo ng Puerto Princesa kaakibat ang City Tourism Council.
Ang iba pang mga nanalo at sina: Ranielah Marie Oval ng Department of Agriculture-Palawan Agricultural Experimental Station (DA-PAES) ang 1st runner-up at Best in Filipiniana Gown . Rachel Ann Angor kinatawan ng Tour Guide Assosciation of Puerto Princesa (TGAPP) 2nd runner-up at Best in Beach Wear . Lyra Jane Moises ng Associaton of Travel and Tour Operators of Puerto Princesa (ATTOPP) 3rd runner-up , Miss Friendship at Miss Natasha. Jenny Rae Hoffmann ng Association of Tourist Accommodations of Puerto Princesa (ATAPP) ang 4th runner-up, Ms. PAL Manis at Ms. Photogenic. Napili naman na Ms. Talent si Marichu Faigao kandidata ng Tourism Association of Souvenir Shops(TASS) at si Rachel Angelique Nicanor ng Association of Tourism Educators of Puerto Princesa (ATEPP)na napiling Best in Tandikan Costume at Ms. Jollibee..
Ang iba pang mga kandidata ay sina Rose Ann Barlas ng Airport Tricycle Owners and Drivers Association (AIRTODA), Paula Morta ng Association of Restaurant Owners and Managers (AROMA) at Sheryl Ravanes ng Honda Bay Boat Association Inc. (HOBBAI).

Article Type: