CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment

Printer-friendly version

Puerto Princesa, Jan. 27 CIO - Bagaman halos tatlong buwan pa bago matapos ang 2014-2015 school calendar ay pinaghahandaan nang Pamahalaang Panlungsod ang susunod na pasukan sa inaasahang pagdagdag ng scholars na kumukuha ng iba’t ibang kurso sa dalawang state universities sa Puerto Princesa na tinutustusan ng City Government.

 

Inihayag ni Mayor Lucilo R. Bayron nasa kasalukuyan ay mayroon nang 798  scholars ang lokal na pamahalaan na nahahati sa Palawan State University at Western Philippines University na mahigit sa doble ang bilang kung ikukumpara sa bahagyang mahigit lamang sa  300 na estudyante sa ilalim ng nakaraang administrasyon.

 

Bukod dito sinabi ng alkalde na sinusuportahan din ng Apuradong Administrasyon sa kanilang pag-aaral ang mayroong 32,885 estudyante sa 66 na paaralang elementarya at 18 haiskul sa siyudad.

 

Idinagdag ni Mayor Bayron na ang mga senior citizens tulad ng mga kabataang mag-aaral ay tumatanggap din  ng ayudang pinansiyal na kahit maliit lamang sa halagang P500 ay nakatutulong sa mga matatanda bilang pambili ng mga gamut na kailangan.

 

Maging ang mga tribal chieftains at mga president ng Parent-Teacher’s Association ay pinagkakalooban din ng P1,000 allowance upang may magastos sa pag-asikaso ng mga transaksiyon sa kanilang samahan at mga paaralan.

 

Ayon sa alkalde ang dinatnan niyang budget para sa persons with disability o PWDs ay P400,000 lamang sa loob ng isang taon para sa office operations ng mga may kapansanan. Subalit ngayon aniya ang ipinagkaloob na budget sa tanggapan ng PWDs ay P7.7-M. Ito ay hindi lamang para sa pagpapatakbo ng kanilang opisina kundi para direktang makapag-bigay tulong sa mga pangangailangan ng mga may kapansanan.

 

Kasabay nito ay hinihingi ng Alkalde ang pakikipagtulungan ng lahat upang maging matagumpay ang mga programa ng siyudad para sa higit na maunlad na pamayanan at madama ang pagkalinga ng gobyerno sa mga mamayanan.

 

 

Article Type: 
Categories: