CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment

Printer-friendly version

Sampung payao ang ipinagkaloob ni Gobernador Jose Chaves Alvarez sa Pamahalaang Panglungsod. Ito ang masayang ibinalita ni Mayor Lucilo Rodriguez Bayron sa lingguhang media forum na ginanap sa mismong tangapan nitong araw ng lunes.

 

Ayon kay Mayor Bayron, pursigido siyang isulong ang proyektong ito sa ilalim ng Apuradong Administrasyon sapagkat malaki ang mapapakinabang dito ng mga mangingisda at tiyak na aasenso ang kabuhayan ng mga ito na napatunayan na sa ibang lugar tulad ng Cebu at Bohol.

 

Sa katunayan, hindi lamang direktang makikinabang dito ang mga mangingisda kundi lalo’t higit ang mga mga mamamayan ng lungsod sapagkat bababa ang halaga ng mga isda at makakabili na ang mga taga-lungsod ng mga primeyadong isda na karaniwan ng dinadala sa kamaynilaan at sa iba pang panig ng bansa na ibinebenta naman sa mga kilalang hotel.  

 

Pinasalamatan din ng alkalde ang suportang ipinagkaloob ni Gobernador Jose Chaves Alvarez sa proyektong payao na para sa mga mangingisda ng lungsod.

Article Type: 
Categories: