CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment

Printer-friendly version

Puerto Princesa, Dec. 09 CIO - Opisyal ng pinalitan ni Senior Police Superintendent Edgardo G. Wycoco, tubong Cabiao, Nueva Ecija si Col. Thomas R. Frias sa change of command noong sabado. Pormal ding ipinakilala ni Mayor Lucilo Bayron ang bagong PNP Director ng lungsod sa mga empleyado ng Pamahalaang lungsod sa ginanap na regular Monday flag raising ceremony kahapon.

 

Sa mensahe ni Col. Wycoco, commitment at dedikasyon sa trabaho ang kanyang  ipinangako sa mamamayan ng lungsod.  Anya, sana ay pagtiwalaan ang kapulisan sa ilalim ng kanyang liderato, ang kumunidad ay kanilang seserbisyohan 24/7 dahilan yan ang nasa kanilang mandato dagdag pa nito.

 

Samantala, hiniling din ni Col. Wycoco ang kooperasyon ng mamayan. Sa pagtutulungan ng kapulisan at mamayan higit na masisiguro ang peace and order sa lungsod.

 

Pinapurihan din ng PNP Chief  si Col. Frias sa maayos na pamumuno nito sa City PNP, anya nasa standard ang PNP personnel , napanatili nito ang katahimikan sa lungsod at nais nitong higitan ang magandang performance ng pinalitang PNP chief sa tulong at kooperasyon ng  mamamayan ng Puerto Princesa.

 

Ipinaabot din ng PNP Director ang kanyang pasasalamat sa punong lungsod, sa pagtitiwala nito na sa kabila ng hindi sila magkakilala at unang nagkita ng dumating ito sa lungsod pag-report sa kanyang bagong assignment, ay pinili ni Mayor Bayron si Col. Wycoco bilang bagong PNP director ng lungsod.

 

 

Article Type: 
Categories: