CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment

Printer-friendly version

Mahigpit na ipinapatupad ngayon sa lahat ng tanggapan ng pamahalaan sa buong bansa kabilang na ang lokal na gobyerno ng Puerto Princesa ang COA Circular No. 2009-02 na may petsang Mayo 18, 2009. Hinggil ito sa Reinstitution of Selective Pre-Audit on Government Transaction. Layunin ng kautusang ito na maisaayos at makontrol ang paggamit ng mga “cash advances” sa mga pampinansiyal na transakyon ng gobyerno.

Napapaloob sa kautusang ito ang cash advance para sa pambayad sa suweldo ng mga casual at contractual employees. Dati-rati hindi dumadaan sa pre-audit ang mga cash advance vouchers ng tsekeng laan para dito. Tanging ang mga cash advance para sa sweldo ng mga plantilyado o regular kawani at cash advance sa travelling expenses ang hindi sasailalim sa nasabing pre-audit.

Sakop din ng pre-audit ang mga bayad sa supplies, equipment, sasakyan , general support services at labor na may halagang P2M pataas. Ang mga malalaking kontrata sa infrastructure projects na umaabot sa P5M pataas ang halaga ay kailangan ding dumaan sa pre-audit ang first at last billing vouchers.

Kasama rin sa mga ipi-pre-audit ang mga cash advances na panggastos sa mga “special activities” . Inaasahan sa pamamagitan ng “pre-audit” mababawasan at maiiwasan na ang mga “pending unliquidated cash advances.

 

Article Type: 
Categories: