Printer-friendly version

Opisyal ng sinimulan ang Philippine Swim Long Course Swim Series Palawan League 1-3, nitong ika 11 ng Mayo sa Sports Complex Swimming Pool, handog ng Pamahalaang Lungsod, sa pamumuno ni Mayor Luis M. Marcaida III, Vice Mayor Nancy Socrates at Sangguniang Panglunsod, katuwang ang City Swimmers Club upang patuloy na mahasa ang galing ng mga manlalangoy at patuloy na maitaguyod ang City of Puerto Princesa bilang Sports Capital ng Pilipinas.

 

Ang tatlong araw na kompetisyon ay dinaluhan ng labing dalawang koponan sa buong bansa. Kabilang ang Aklan Aquablades Swim Club (AASC), Ayala Harpoons ng Quezon City, Caraga Gliders Swim Team (CGST), Golden Sea Eagles ng Makati, De La Salle Zobel mula Muntinlupa, Green Archers ng Greenhills Mandaluyong, Iloilo Nautilus Swim Club, Negros Occidental Swim Club ng Bacolod, Valle Verde Aqua Lasers Swim Club (VVSC) mula Pasig City, Puerto Princesa Hammerheads Sharks at Palawan Swimming Club ang maglalaban-laban sa iba’t-ibang kategorya tulad ng 1,500 at 800 Long Course Meter Freestyle, Over and Under 200, 100, 50 Long Course Meter Breaststroke, Butterfly Kick at Backstroke.

 

Ayon kay Reynaldo Galang, Coach ng Valle Verde Aqua Lasers Swim (VVSC), unang pagkakataon pa lamang na ginanap ang  kompetisyong ito sa Puerto Princesa. Layunin nitong matulungan ang mga provincial at city club na makalahok sa National Competition. Ang makakaabot sa qualification time ay ilalaban sa National Juniors Swimmers sa Southeast Asian Age Group Competition sa Brunei ngayong Nobyembre 2017.

 

Sa pormal na pagbubukas ng Philippine Swim Long Course Swim Series Palawan League 1-3 ay kinatawan ni Acting City Information Officer Elmer Zita si Mayor Marcaida.

 

Article Type: 
Categories: 

Navigation Menu