CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment

Printer-friendly version

Puerto Princesa City – Nakatakdang lagdaan bukas Hulyo 28 ang isang MEMORANDUM OF UNDERSTANDING(MOU) sa Kamaynilaan ng kinatawan ng United States Agency for International Development(USAID) at ng Lungsod ng Puerto Princesa na kinakatawan ni Mayor Lucilo R. Bayron.

Maituturing na tagumpay ang lungsod at mapalad na mapabilang sa anim na mga siyudad sa buong bansa sa programa ng USAID na tinawag na CITIES DEVELOPMENT INITIATIVES(CDI). Ito’y nangangahulugan na kasama ang ating lungsod sa tatangap ng technical support mula sa bansang Amerika. Ang ibang mga siyudad ay : Batangas City, Iloilo City, Cagayan de Oro City, Zamboanga City at Tagbilaran City.

Ang mga technical assistance ay sumasakop sa:
1. Governance
2. Environment
3. Energy
4. Education
5. Health
6. Economic growth
7. Investment

Ang batayan na ginamit ng USAID para mapabilang ang isang siyudad sa technical assistance ay ang mga sumusunod:
1. Potential for growth
2. Credible city government committed to good governance
3. Committed local partners
4. Engaged private sector
5. High likelihood of producing impact

Sa maikling panahon ng panunungkulan ni Mayor Bayron ay nakakitaan ito ng USAID ng katangi-tanging kakayahang mamahala ng isang siyudad sa makatotohan at seryosong pamamalakad na siyang naging daan upang mapabilang ang siyudad bilang recipient ng USAID/CDI project.

Naniniwala si Mayor Bayron na malaki ang kaugnayan ng pagkakaroon ng pang-ekonomiya kaunlaran, trabaho at ang pagkakaroon ng oportunidad makapagtrabaho para sa isang umuunlad na siyudad katulad ng Puerto Princesa na tinatawag ding urban development. Upang mapaunlad ang siyudad ay kailangan ang imprastraktura, pagnenegosyo, manggagawa, pagkalinga sa kalikasan. Ang lahat ng ito ay nangangahulugan ng salaping puhunan na siyang gagampanan ng CDI, ang makahanap ng salaping pangpuhunan para sa siyudad.

Kaugnay nito, inaasahang makikipagtulungan sa LGU at USAID ang private sector at Civil Society Organization upang matugunan ang iba ang mga suliranin at balakid na kaunlaran ng siyudad ng katulad ng:
1. Unreliable and high cost of electricity
2. Lack of water supply and sanitation
3. Disaster risk management
4. Streamlining of business process
5. Access to loans by business
6. Lack of link between the academe and employer

at upang mailagay ang Puerto Princesa sa “accelerated growth trajectory level”. Ang USAID din ay tutulong upang palakasin ang “economic competition and resilience of Puerto Princesa City”. (cio)

Article Type: 
Categories: