Printer-friendly version

Puerto Princesa, Dec. 28 CIO - Sa ginanap na ika-123 na regular na sesyon ng ika-14 na Sangguniang Panlungsod ng Puerto Princesa ipinagtibay ang Resolusyon No. 1374-2015, “A RESOLUTION REQUESTING THE CITY ENGINEERING OFFICE TO FULLY IMPLEMENT CITY ORDINANCE NO. 196 OTHERWISE KNOWN AS “AN ORDINACE REGULATING THE CONSTRUCTION OF HUMPS WITHIN THE ROADS AND STREETS OF PUERTO PRINCESA”.”

            Nakapaloob sa ordinansang ito ang paglalagay ng babala 20 metro ng layo mula sa humps upang malaman ng mga motorista na bagalan ang takbo ng sasakyan. Dapat ding may pinturang stripes na dilaw at itim ang mga humps para maging kapansin-pansin ito sa mga nagmamaneho ng mga sasakyan. Ang simpleng precaution measures na ito ay ginawa upang mabawasan ang mga hindi inaasahang insidente sa kalsada.

Ang Ordinance No. 196 ay naaprubahan noon pang taong 2002 ng ika-10 Sangguniang Panlungsod kung saan nakasaad dito ang pagregulate ng mga humps sa mga kalsada sa lungsod upang maiwasan ang mga obstruksyon at mga aksidente ng mga motorista at ng mga mananakay.  Kaya naman ganun nalamang ang hangarin ng ngayong Sangguniang Panlungsod na maipatupad ang ordinansang ito.

 

 

 

Article Type: 
Categories: